SIGE NG SIGE by WISDOM BAND
SIGE NG SIGE
Kung matayog ang iyong mga pangarap
kayod ng kayod kahit gaano kahirap
Makamtan man lahat na handog sa mundo
Bigo parin kung wala si Kristo sa'yo
Show More
Sige ng sige
Laging naggigigil walang makakapigil
Sige ng sige
Laging naghahabol lalong nagkabuhol-buhol
Wala ka na bang panahon upang huminahon
mag-isip at magtiwala sa Panginoon
Me'rong Kristiyanong masipag sa gawain
S'ya'y umaasa na s'ya'y pagpalain
Ngunit kung suriin tunay na damdamin
Siya'i kulang pa rin sa pananalangin
Kapag ang pagsinta'y ating madaliin
Wala pa sa panahon ating pilitin
Kabiguan lamang ang ating kakamtin
Kaya't kalooban ng Diyos h'wag nating limutin
Sige ng sige
Laging naggigigil walang makakapigil
Sige ng sige
Laging naghahabol lalong nagkabuhol-buhol
Wala ka na bang panahon upang huminahon
mag-isip at magtiwala sa Panginoon











