SIMULAN SA LAYUNIN


SIMULAN SA LAYUNIN
Homiliya para sa Pangalawang Araw ng Simbang Gabi (Linggo ng Gaudete)
Ika-17 ng Disyembre 2023,
Juan 1:6-8, 19-28

“Simulan ang lakbayin sa layunin.” (Begin with the end in mind.) Isa daw ito sa “seven habits of highly-effective people” sabi ni Steven Covey. Ito ang buod ng ating pagninilay ngayon tungkol sa simbahang nagmimisyon. Ito kasi ang temang tumutuhog sa mga pagbasa natin para sa Linggo ng Gaudete. Ang madalas gamitin na translation para sa Ingles na “goal”, o “purpose”, o “objective” ay hangarin o layunin. Para sa akin, parang mas angkop ang LAYUNIN kaysa HANGARIN.
Iyung HANGARIN—parang may kinalaman sa hinahangad natin o gusto nating makamit o matamo sa buhay. Ang LAYUNIN ay parang ganoon din, pero ang point of reference ay hindi sarili natin kundi ang nilalayon o tinutungo o direksyon natin. Kung saan tayo tinatawag na pumunta.
Kaya related ang salitang bokasyon at misyon; ang bokasyon ay TAWAG, ang misyon ay kung saan tayo ISINUSUGO ng tumawag sa atin. Iyon ang layunin.
Dalawang bagay ang nabibigyang liwanag sa atin kapag malinaw ang LAYUNIN. Una, lumilinaw din kung sino hindi tayo (who we are NOT), at ikalawa, kung sino talaga tayo (who we are). Ito ang dalawang tanong na sinasagot ni Juan Bautista sa ating ebanghelyo.
Simulan natin sa una—Kapag malinaw ang ating layunin sa buhay, hindi tayo ilusyonado. Bago sinagot ni Juan Bautista kung SINO SIYA, nilinaw muna niya kung sino HINDI SIYA. Wala siyang messianic complex. Nilinaw niya na hindi siya ang hinihintay nilang Kristo o si Elijah o ang propetang pinaniniwalaan nilang babalik, tulad ni Jeremiah. Hindi niya hinangad na magpanggap .
Malaki ang naitutulong sa ating mental health kapag marunong tayong dumistansya kahit sa mga bagay na pinagbubuhusan natin ng panahon o pinaglalaanan ng sarili. Minsan nakita ko sa isang poster ang listahan ng mga I AM NOTS: “I am not my job. I am not my salary. I am not my failures. Etc.” Bakit mahalagang sabihin ito ng mga tao sa sarili

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press