Siyensikat: Sagip-Nutri Flour


Sa halip na imported na wheat flour, itinuturong magandang alternatibo ng DOST ang paggamit ng "Sagip-Nutri Flour", isang harina at emergency food reserve na nabuo sa pinaghalo-halong cassava, sweet potato, moringa (malunggay), monggo, at kalabasa. Bukod sa masustansya, abot-kaya pa ito dahil lokal sa bansa ang mga ingredients nito.

Pero hindi lang industriya ng paghaharina at ekonomiya ng Pilipinas ang kayang sagipin ng Sagip-Nutri Flour. Sa pinakabagong episode ng #Siyensikat, abangan kung papaano rin nito iniligtas ang kabuhayan ng isang komunidad ng Aeta sa Pasambot na nalubog sa kahirapan matapos masalanta ng bagyo.

Show More

#DOSTv #OneDOST4U

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press