Tagalog Christian Movie Trailer | "Ang Piging ng Kaharian ng Langit"
Mga kaibigan, kung nais ninyong hanapin at siyasatin at tanggapin ang gawain ng Panginoon sa mga huling araw, malayang kontakin kami sa Messenger. Ikalulugod naming makipag-usap sa inyo. Messenger: https://shurl.me/TLMessenger
Tagalog Christian Movie Trailer | "Ang Piging ng Kaharian ng Langit"
Show More
Si Chen Mingde ay isang paring Katoliko. Nakikita niya na lalong nagiging mapanglaw at madilim ang Simbahang Katoliko, at maging ang mga obispo at iba pang mga pari ay nakipagkompromiso na sa gobyerno sa pamamagitan ng pagsapi sa Three-Self Church. Talagang masakit at nakadidismaya ito para sa kanya. Habang naghahanap kung saan-saan ng isang simbahan na taglay ang gawain ng Banal na Espiritu, hindi inaasahang narinig niya ang ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos. Matapos basahin ang napakaraming salita ng Makapangyarihang Diyos, nakilala niya na iyon ang tinig ng Diyos at na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus, at kaya malugod niyang tinanggap ang Makapangyarihang Diyos. Pero sa gulat ni Chen Mingde, matapos itong matuklasan ng mga obispo at ng iba pang mga pari, ginawa nila ang kanilang makakaya para kondenahin siya at pigilan siyang tanggapin ang Makapangyarihang Diyos. Nagpadala pa nga sila ng mga tao para sirain ang simbahan na pinangangasiwaan niya, sa pagtatangkang pilitin siyang lumayo sa tunay na daan. Nakita ni Chen Mingde ang mga mukha ng mga obispo at mga pari na napopoot sa katotohanan, lumalaban sa Diyos, at sataniko, at binitiwan niya ang posisyon niya bilang pari, nilisan ang simbahang Katoliko, at nagsimulang aktibong ipalaganap at patotohanan ang ebanghelyo ng kaharian ng Diyos. Inakay niya ang maraming tao na bumaling sa Makapangyarihang Diyos at nagsimula siyang labis na masiyahan sa sarili, madalas na nagpapakitang-gilas kung gaano karaming gawain ang nagawa na niya at kung gaano siya nagdusa, para makuha ang paghanga ng mga kapatid. Lalong tumindi ang mayabang niyang disposisyon—mapagmataas niyang pinagsasabihan ang ibang tao,











