Tagalog Christian Music Video | "Magagawa Ko Nang Mahalin sa Wakas ang Diyos"
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Kaibigan, gusto mo bang magbasa ng higit pang mga salita ng Diyos at matuto ng daan ng Diyos? I-click ang link para makadalo sa aming fellowship. Wala itong bayad.
Messenger: shurl.me/TLMessenger
Tagalog Christian Music Video | "Magagawa Ko Nang Mahalin sa Wakas ang Diyos"
Pag-ibig Mo'y taos, puso'y tapat at mabait,
naging-tao Ka para iligtas ang tao.
Pagpapakumbaba't pagiging tago Mo'y kaibig-ibig;
'di Ka nasusukat.
Sinusundan Ka nang malapit, nanginginig sa takot;
ginhawa'ng dulot sa'kin ng Iyong salita.
Kasama Mo 'ko sa hirap,
nililinis at nililigtas ako ng salita Mo ng paghatol.
Sa wakas nagagawa Ka nang mahalin;
araw-gabi, kasama Ka, nauunawaan 'Yong kalooban.
Mas nakikita kung gaano Ka kaibig-ibig,
nakilala Kita, Makapangyarihang Diyos.
Kasama Ka't napakarami kong nakamit;
madalas akong nasosorpresa.
Ibinigay Mo sa'kin lahat ng pag-ibig Mo;
napakahalaga ng sandaling kasama Ka.
Pag-ibig Mo'y pumukaw at gumising sa'kin;
nais kong ibigin Ka't maging tapat sa'Yo.
Salita Mo'ng humahatol at dumadalisay sa'kin,
inililigtas ako sa impluwensya ni Satanas.
Natamasa'ng pag-ibig Mo; nabatid ko'ng katotohanan,
labis Kang mahal at ginagalang.
Pasakit at pagpipino'y naglalapit sa'kin sa Iyo,
patotoo'ng alay upang luwalhatiin Ka.
Sumunod sa'Yo hanggang ngayon,
natatamo'ng katotohana't buhay,
lalong lumiliwanag ang daan.
Nang makita'ng matuwid at banal Mong disposisyon,
nakilala Kita, Makapangyarihang Diyos.
Sa biyaya Mo ako'y nadalisay at naligtas.
Pa'no Kita pasasalamatan?
Sa pagsasagawa ng salita Mo, nabubuhay ako sa liwanag,
at dapat lalong magsikap na mahalin Ka.
Sumunod sa'Yo hanggang ngayon,
natatamo'ng katotohana't buhay,
lalong lumiliwanag ang daan.
Nang makita'ng matuwid at banal Mong disposisyon,
nakilala Kita, Makapangyarihang Diyos.
Sa biyaya Mo ako'y nadalisay at naligtas.
Pa'no Kita pasasalamatan?
Sa pagsasagawa ng salita Mo, nabubuhay ako sa liwanag,
at dapat lalong magsikap na mahalin Ka.
mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
Paalala: Ang lahat ng video sa channel na ito ay mapapanood nang walang bayad. Partikular na ipinagbabawal sa sinumang indibiduwal o grupo ang pag-a-upload, pagbago, pagbaluktot, o paghalaw ng anumang video sa Youtube channel ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos nang walang pahintulot. Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay may karapatang gumawa ng kahit anong at lahat ng legal na kalutasan sa anumang paglabag sa mga kondisyong ito. Mangyaring kontakin kami nang maaga para sa mga kahilingang ipalaganap ang mga ito sa publiko.
#MakapangyarihangDiyos