Tahanan ng Puso


TAHANAN NG PUSO
Homiliya Para sa Ika-10 Linggo ng Karaniwang Panahon,
9 Hunyo 2024, Mk 3:20-35

Ang ating pagninilay sa araw na ito ay tungkol sa pagtatayo ng tahanan, hindi lang bahay. Alam naman natin na hindi lahat ng bahay ay tahanan, di ba? Di ba may kasabihan tayo: “Mabuti na sa akin ang bahay kahit kubo kung nakatira ay tao, kaysa bahay na bato pero ang nakatira ay kuwago.” Baka mansion nga ang bahay pero para namang mga kuwago sa isa’t isa ang nakatira, hindi tao. Mga kuwagong sa dilim nakakakita, pero sa liwanag walang nakikita. Paano nga ba naman mabubuo ang isang tahanan kung ang magkakasambahay parang tau-tauhan ang trato sa isa’t isa—mulat sa dilim, bulag sa liwanag?
Sa Ingles sinasabi rin nila ito: not every house is a home. Kaya siguro ang dating salitang “housekeeper” pinalitan na nila ng “homemaker”. Paano ba magtayo—hindi lang ng bahay kundi ng tahanan? How do you build a home? May kasabihan din sa Ingles na parang sumasagot sa tanong na ito: “Home is where the heart is.” Kung saan naroon ang puso, nabubuo ang isang tahanan. Narinig natin sa ating second reading: Dumadaan lang daw tayo dito sa mundo. Na kahit busy tayo sa pagtatayo ng ating mga makalupang tahanan, alam nating lilipas din ang mga ito. Na mayroon tayong tinutungo na mas higit pang tahanan na hindi mawawasak, isang tahanan daw na Diyos ang may gawa. Anong tahanan ang tinutukoy?
Kung totoo na ang mga makalupa nating tahanan ay nabubuo kapag naroon ang ating mga puso, ang makalangit na tahanan natin ay nagkakatotoo kapag naghahari sa ating mga puso ang Sagradong Puso ni Hesus. If home is where the heart it, Church is where the Sacred Heart is. Iugnay nating lagi ang Sacred Heart sa “homemaking”, building an eternal home. Hindi tayo ang magtatayo nito, kundi ang Diyos mismo sa pamamagitan ng Espiritu Santong nagbubuklod sa atin bilang mas malaking pamilya, ang Espiritu Santong nagpapatibok sa Sagradong Puso ni Hesus sa mga kalooban natin, ang Espiritung magpapakilala sa Diyos bilang

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press