Tanggapin at Pagalingin | Homily for the Sixth Sunday in Ordinary Time (B)


Sa panahon natin ngayon, alam nating hindi naman lahat ng sakit sa balat na namumula, nagbubutlig o namamaga ay ketong. Salamat sa mga pagsasaliksik sa larangan ng medisina, alam nating hindi naman basta-basta nakahahawa ang ketong. Pero ang totoo, marami pa ring mga tao ang pinakikitunguhan ng kapwa bilang ketongin: iniiwasan, nilalayuan, itinataboy at pinandidirihan. Halimbawa, ang mga may kapansanan sa isip at katawan. Hindi ba hanggang ngayon, sila'y pinagtitinginan? Hindi lamang iyon, may mga tao na dahil din sa kanilang trabaho, pangangatawan o sexual orientation, nakararanas na sila ay maisantabi sa lipunan. Sila man ay nais ding abutin ni Hesus upang ipaalala na hindi sila dapat pandiriham, layuan o iwasan. Ito rin ang nais ipaalala ni Pope Francis sa atin bilang simbahan. Kung tayo nga ang katawan ni Kristo, hindi ba't marapat lamang na maging bukas ang bisig ng ating pamayang Kristiyano para sa yakapin ang lahat, lalo na ang mga itinatakwil ng lipunan? Kapag ba lumapit sa simbahan ang isang taong humihiling ng pagpapala mula sa Panginoon, ipagkakait ba ito ng simbahan sa kanya dahil lamang sa kanyang katayuan sa buhay? Ito ang nais ni Papa Francisco na patuloy nating pagnilayan lalo na't hanggad niya ang isang simbahan na handang marumihan at maging kaamoy ng mga tupa sa kawan.

Full Homily by Fr. Franz Dizon
Ikaanim na Linggo sa Karaniwang Panahon (B) | 11 Pebrero 2024
Our Lady of Mount Carmel Parish - Barasoian Church

Show More

Levitico 13, 1-2. 44-46
Salmo 31, 1-2. 5. 11
Sa ‘yong tulong at pagtubos ako’y binigyan mong lugod.
1 Corinto 10, 31 – 11, 1
Marcos 1, 40-45
------------------
Like, Follow and Subscribe!
Facebook | https://www.facebook.com/SaMadalingSabi
Youtube | https://www.youtube.com/c/SaMadalingSabi
Instagram | https://www.instagram.com/samadalings...
Twitter | https://twitter.com/broknight07
Tiktok | https://www.tiktok.com/@samadalingsabi
Lyka | https://www.mylyka.com/share/um/samad...
Spotify | https://open.spotify.com/show/64QyMiU...
Hallow |

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press