TAO PO HINDI TAO LANG PO


TAO PO (HINDI TAO LANG PO)
Homiliya Para sa Huwebes sa Ikasiyam na Linggo ng Karaniwang Panahon, 6 Hunyo 2024, Mk 12,28-34

May kuwento tungkol sa isang pusa na inanod ng agos ng baha at nakakapit sa sanga ng maliit na puno sa gilid ng estero. Nakita daw ito ng dalawang tao. Dahil sanay mag-alaga ng mga pusa iyung isa, naglakas-loob ito na bumaba sa may gilid ng estero para abutin ang pusa at mailigtas ito. Pero nang abutin niya ang pusa, bigla siyang kinalmot nito, habang naginginig sa lamig at takot. Sabi ng kasama nitong nagliligtas, “Hayaan mo na ngang malunod ang pusang kalye iyan. Siya na nga ang inililigtas, nangangalmot pa.” Sumagot ang kaibigan, habang pinapahiran ang dugo sa nakalmot niyang kamay, “Natural lang sa pusa ang mangalmot kapag natatakot ito, dahil hayop ito. Natural din lang sa akin ang maawa at magmalasakit dahil tao ako.”
Hindi kaya parang ganito ang ibig sabihin ni San Pablo sa ating unang pagbasa na ang Diyos daw, kahit talikuran natin siya at pagtaksilan, mananatili pa rin siyang tapat dahil hindi niya maitatatwa ang sarili niya. “He remains faithful even when we are unfaithful because He cannot deny himself.” Kung likas sa tao ang magkasala, likas din sa Diyos ang magmahal na walang kundisyon.
Pero teka, hindi ba kahit ang hayop napapaamo? Kapag mabangis daw ang aso, malamang pinagmamalupitan ito ng amo niya. Nagiging maamo ang hayop kapag sanay sa aruga at kalinga ng amo. Kung sa hayop ganyan, sa tao pa kaya? Kapag lumaki kang may mabuting asal dahil sa kalinga ng mapagmahal na pamilya at naging mabuti kang tao, minsan kapag may nakakatagpo tayong mga taong may masamang asal o ugali, o sanay sa masamang gawain, akala natin masamang tao sila. Hindi natin alam na hindi naman lahat ay pinalad na lumaki sa kalinga, malasakit ng mapagmahal na pamilya. Ang iba ay lumaking parang askal o pusakal, palaboy sa kalsada, minaltrato o inabuso ng mga magulang, pinagmamalupitan kaya nasanay sa magmatigas ang puso, di marunong magtiwala, sanay sa udyok

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press