TAPOS NA | SPOKEN WORD POETRY TAGALOG HUGOT | MERCY BLESS
MERCY BLESS
Tapos na
by: Lauren Smith
PRODUCED BY : MERCY BLESS
Masarap alalahanin ung ating nakaraan,
Ung mga oras na sinambit mong di mo ako sasaktan,
Ung nangako kang walang iwanan,
Nasayang nga lang, nakakapanghinayang.
Nasan nga ba ung dating tayo?
Nasan na nga ba ung dating ikaw at ako?
Nasan na ung dating ikaw na nagsabing mahal ako?
Nasan na nga ba, ung masayang dating tayo?
Wala naman akong ginawa kundi mahalin ka ng tapat,
Binigay ko naman ang pagmamahal na dapat,
Bakit naman ganun, binalewala mo ang lahat?
Para sayo pala, pagmamahal ko ay di sapat.
Ang sakit, ang sakit sakit,
Sana Mahal, sinaksak mo na lang ako ng paulit-ulit,
Sana ang salitang "mahal kita", di mo na lang sinambit,
Kung iiwan mo rin lang akong mag-isa at di na muling babalik.