The Lily Of The Valley Tagalog Version
Tagalog Hymns
Liryo Ng Libis
Tagalog Version of The Lily of the Valley
Words: Charles W. Fry
Music: William S. Hays
Translation: Romy H. Endaya; GRBC-Calauag
Liryo Ng Libis
(Lily of the Valley)
Show More
1. Si Jesus aking kaibigan,
S’ya ang lahat sa ‘kin
Pinaka-kaakit-akit sa akin;
S’ya ang liryo ng libis, sa– Kanya natagpuan
Panlinis sa kasalana’t kasam’an.
Sa aking kalungkutan, S’ya ang kaaliwan
S’ya’ng laging karamay at kanlungan.
REFRAIN:
S’ya ang liryo ng libis, S’ya’y–
Tala ng Umaga
Pinaka-kaakit-akit sa ‘kin S’ya.
2. Ang aking kapighatian ay Kanyang binata;
Sa tukso’y aking Toreng Matibay S’ya.
Ang lahat tinalikuran, lahat ng d’yus-d’yosan,
Aking puso’y tiwalang iingatan.
Mun-do’t si Satanas man, lahat laban sa ‘kin,
Kay Jesus ako’y t’yak makararating.
(ulitin ang Refrain)
3. Hindi N’ya pababayaan, ako’y aakayin;
Sa pananalig S’ya’y laging susundin.
Hindi na mababahala an’man ang kumubkob;
Kalul’wa ng manna N’ya’y binubusog.
At sa kal’walhatian, mukha’y makikita
Du’n ay dadaloy ilog ng ligaya.
(ulitin ang Refrain)











