TIWALA O TAKOT | Homily for 33rd Sunday in Ordinary Time (A)


Tayo man ay mga aliping pinagtiwalaan din ng Panginoon. Pero dahil na rin siguro sa mga karanasan natin ng kabiguan, natatakot na rin tayong “isugal” ang ating buhay o gamitin ang mga kaloob na biyaya sa atin. Dahil nabigo sa pag-ibig, ayaw nang magmahal muli. Dahil nagsumikap at hindi naging mabunga, ayaw nang sumubok muli. Mayroon namang iba na dahil ayaw makaranas ng kabiguan hindi man lang sinusubukang gawin kung ano ang dapat gawin. Pero tandaan mo, ang bawat paggising mo sa umaga ay isang hakbang papalapit sa wakas. At ang bawat paggising mo ay paalala rin na ngayong araw na ito, muli kang pinagtitiwalaan. Mayroon kang Ama sa langit na naniniwala sa iyong may kakayanan kang lumago at mamunga sa anumang aspeto ng buhay. Nasa iyo na lang kung ano ang panghahawakan mo: ang takot na nagmumula sa sarili mo o ang tiwala ng Panginoon sa iyo na mas nakakikilala sa iyo at mas nakaaalam ng kapasidad mo? Kaya nga hindi ba sinabi ni San Pablo: “Tapat ang Diyos, at hindi niya ipapahintulot na kayo'y subukin nang higit sa inyong makakaya. Sa halip, pagdating ng pagsubok, bibigyan niya kayo ng lakas upang makayanan ito at ng paraan upang malampasan ito.” (1 Corinto 10:13)

Full Homily by Fr. Franz Dizon
Ika-33 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) | 19 Nobyembre 2023
Our Lady of Mount Carmel Parish - Barasoian Church

Show More

Kawikaan 31, 10-13. 19-20. 30-31
Salmo 127, 1-2. 3. 4-5
Mapalad ang sumusunod
na taong may takot sa D’yos.
1 Tesalonica 5, 1-6
Mateo 25, 14-30
------------------
Like, Follow and Subscribe!
Facebook | https://www.facebook.com/SaMadalingSabi
Youtube | https://www.youtube.com/c/SaMadalingSabi
Instagram | https://www.instagram.com/samadalings...
Twitter | https://twitter.com/broknight07
Tiktok | https://www.tiktok.com/@samadalingsabi
Lyka | https://www.mylyka.com/share/um/samad...
Spotify | https://open.spotify.com/show/64QyMiU...
Hallow | https://hallow.com/chapters/1311
------------------
#SaMadalingSabi
#33rdSundayOrdinaryTime
#SundayHomily

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press