TUGON, HINDI REAKSYON


TUGON, HINDI REAKSYON
Homiliya para sa Ika-3 Linggo ng Karaniwang Panahon,
22 Enero 2023, Mat 4:12-23

Madilim ang sitwasyon para kay Hesus sa ating ebanghelyong binasa. Inaresto at ibinilanggo ng mga otoridad ang pinsan niyang propeta na si Juan Bautista. Ramdam na ramdam ang tensyon sa sitwasyon. Umalis daw siya sa Nazareth at doon daw siya nanirahan sa Capernaum, malapit sa Lawa ng Galilea.
Minsan talaga, may mga bagay na biglaang magpapabago sa takbo ng buhay natin sa ayaw natin at sa gusto. Merong parang domino-effect ang mga pangyayari, ayon sa kuwento ni San Mateo: babaguhin nito ang takbo ng buhay—ni Juan Bautista, ni Hesus, ng dalawang magkapatid: Simon at Andres, Santiago at Juan. Mayroong isa pang karakter na makararanas din ng bagong takbo ng buhay. Nasa background siya, pero hindi binabanggit ni San Mateo sa kuwento niya. Sino ba ang ang nasa bahay nila sa Nazareth na napakahalaga sa buhay ni Hesus na tiyak na maaapektuhan din ng takbo ng mga pangyayari: Edi si Mama Mary!
Alam nyo naman na mahilig akong mag-“reading between the lines” ng Banal na Kasulatan gamit ang imahinasyon. Kaya doon sa isinulat kong librong YESHUA, inilarawan ko doon ang eksena ng pag-alis ni Hesus mula sa Nazareth. Na halos ipagtulakan siya ng nanay niya, “Anak, parang awa mo na, lumayo-layo ka muna. Mainit ang sitwasyon. Kung inaresto ng mga sundalo ng gobernador ng Galilea ang pinsan mo, at alam nilang ikaw ang pinaka-kanang kamay ni Kuya Juan mo, siguradong markado ka na at pinaghahanap ka na rin. Alam mo namang malupit ang gobernador, di ba?Pinapapugutan niya ng ulo ang mga bumabatikos sa administrasyon niya.“
Parang ganoon din noong panahon ng martial law sa Pilipinas, noong isa-isang ipinabibilanggo ang mga oposisyon at sinumang kritikal sa gubyerno. Mabuti kung legal na inaareesto; ang iba pinaglalaho. “Desaparecidos” ang tawag sa kanila sa Latin America. Dinudukot, “sinasalvage”, hindi na lumilitaw. Hindi pa ginagamit noon ang salitang EJK. Nakakatakot. Kaya nauso noon

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press