TUNAY NA PAGKAKAISA | Homily for 23rd Sunday in Ordinary Time (A)


Ipinapaalala sa atin ng ebanghelyo ngayon na ang tunay na pagkakaisa ng pamayanan ay hindi nakabatay lamang sa pagsasama-sama ng mga kasapi nito kapag may pagtitipon. Sa totoo lang, kahit naman pare-pareho ang ginagawa o pare-pareho ang sinusuot ng mga kasapi, maaaring ang lahat ito’y mananatiling panlabas o “palabas” lamang dahil maaaring napipilitan lang o sadyang “nakikisama” lang ang mga tao. Ang sukatan ng pagkakaisa ay nasa puso ng bawat kasapi kung mayroon bang puwang ang malasakit sa kanila para sa kanilang kapwa na kasama sa pamayanan? Ilang pamilya ba o samahang pansimbahan ang alam natin na mukhang ayos naman kapag magkakasama pero kapag naman nakatalikod ay maraming paninira sa isa’t isa? Huwag kang palilinlang sa isang tahimik na tahanan. Hindi lahat ng tahimik, payapa. Maaaring hindi lang nag-uusap ang mga naroon kaya tahimik. Sa mga meeting ng samahan ganyan din hindi ba? Tahimik lang at tumatango ang lahat pero pagtalikod, nagsisimula na ang kagatan. Nakalulungkot isipin pero ito ang karaniwang katotohanan sa ating mga pamayanan. Kaya maganda ang mga tagubilin ni Hesus sa ebanghelyo ngayon tungkol sa tamang pakitunguhan.

Full Homily by Fr. Franz Dizon
Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) | 10 Setyembre 2023
Our Lady of Mount Carmel Parish - Barasoain Church

Show More

Ezekiel 33, 7-9
Salmo 94, 1-2. 6-7. 8-9
Panginoo’y inyong dinggin,
huwag n’yo s’yang salungatin.
Roma 13, 8-10
Mateo 18, 15-20
------------------
Like, Follow and Subscribe!
Facebook | https://www.facebook.com/SaMadalingSabi
Youtube | https://www.youtube.com/c/SaMadalingSabi
Instagram | https://www.instagram.com/samadalings...
Twitter | https://twitter.com/broknight07
Tiktok | https://www.tiktok.com/@samadalingsabi
Lyka | https://www.mylyka.com/share/um/samad...
Spotify | https://open.spotify.com/show/64QyMiU...
Hallow | https://hallow.com/chapters/1311
------------------
#SaMadalingSabi
#23rdSundayOrdinaryTime
#SundayHomily

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press