USBONG SA TUOD


USBONG SA TUOD
Homiliya para sa Ikalawang Linggo ng Adbiyento Taon A,
Ika-4 ng Disyembre 2022, Mat 3:1-12

Nakakita na ba kayo ng isang punongkahoy na pinutol na at ibinagsak, sinibak at sinunog, pero pagkatapos ng ilang araw, matapos na maulanan, may lumalabas na naman na bagong usbong mula sa tuod? Ganito ang paglalarawan na ginagamit ng ating unang pagbasa mula kay propeta Isaias para sa hinihintay na Mesiyas mula sa pamilya ni David na anak ni Jesse. Larawan ng pag-asang sumisibol sa gitna ng isang sitwasyon ng pagkatalo at pagkabigo, bagong buhay sa gitna ng kamatayan, bagong simula pagkatapos ng inakalang katapusan.
Sa ikalawang pagbasa, hindi nagpapaligoy pa si San Pablo. Tinutumbok na kaagad niya kung sino ang usbong na ito na sa pamamagitan daw ng Salita ng Diyos ay “magpapanatili at maghahatid ng lakas ng loob” sa gitna ng kawalan ng pag-asa: ang Panginoong Jesukristo.
Pero sa ating ebanghelyo, dalawang pinuno ang ipinakikilala ni San Mateo: si Juan Bautista at si Jesus. Kaya nalito ang mga tao, lalo na ang mga pamilyar sa Orakulo ng Propeta. Ang hinulaan ni Isaias na usbong na sisibol mula sa puno ni Jesse, ito na ba si Juan Bautista? Sa kanya kasi parang nabanaagan na ang kakaibang klase ng pamumuno na ihahatid daw ng Mesiyas ayon kay Isaias: may taglay daw na karunungan at pag-unawa, paggabay at lakas, kaalaman at pamimitagan sa Diyos, pagkatakot sa Diyos na magbibigay-galak. Sa madaling salita, puspos ng Espiritu Santo. Naramdaman nila ito kay Juan Bautista.
Galing sa pamilyang pari si Juan Bautista. Anak siya ni Zacarias na pari ng templo, gayundin ni Elisabet na nagmula raw sa angkan ng paring si Aaron. Kaya sigurado ako na nagsanay nang mabuti si Juan sa Jerusalem, lalo na sa Banal na Kasulatan para maghanda sa pagiging pari ng templo. Pero imbes na sumunod siya sa yapak ng tatay niya, naging arang ermitanyo siya sa disyerto. Nabuhay sa katahimikan upang magsanay sa pakikinig sa Salita ng Diyos. Hindi pala pagpapari kundi pagpopropeta ang bokason

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press