WALANG PINAPANIGAN


WALANG PINAPANIGAN?
Homiliya para sa Huwebes sa Ikatlong Linggo ng Kuwaresma,
Ika-7 ng Marso, Lk 11:14-23

Pinagaling daw ni Hesus ang isang pipi kaya nakapagsalita ito. Ang dating walang imik ngayon ay nagkaroon ng tinig. Ano ang reaksyon ng iba? Trabaho daw ng dimonyo ang pagpapagaling na ginawa niya.
Madalas pa ring mangyari ang ganyan kahit sa panahon natin. Noong kasagsagan ng EJK, marami ding nabulag, napipi at nabingi—walang nakita, walang narinig, walang masabi. Kahit alam nila na hindi totoong nanlaban ang mga tinokhang diumano na “drug suspect”, na pinatay talaga sila nang walang kalaban-laban. Sa lugar na dikit-dikit ang mga bahay maraming nakakakita, nakakarinig. Maraming witness na nakakasaksi sa mga pangyayari. Pero bakit sila tumahimik? Siyempre naman, sino ba’ng hindi matatakot na baka balikan sila? Baka pamilya nila ang pag-initan? Pag di na makita ng tao ang pagkakaiba ng tama at mali. Pag nanatiling neutral o ayaw pumanig ng tao sa labanan ng mabuti at masama, alin ang mananalo sa labanan? Natural, edi ang masama. Kaya ang pananatiling neutral sa labanan ng tama at mali ay katumbas na rin ng pagpanig sa masama.
Ito ang ibig sabihin ni Hesus sa salitang, “Ang hindi panig sa akin ay laban sa akin; ang hindi ko kasamang nagtitipon ay kasamang nagkakalat.” Tinawag ito ni San Ignacio de Loyola na digmaan ng dalawang bandila: the battle between two standards—ang bandila ni Kristo at bandila ni Satanas.
Sa unang pagbasa, ipina-paalala ng awtor kung ano ang kailangan kung ibig natin na manalo sa labanan: makinig daw sa tinig ng Diyos. Ang mga labanan sa buhay ng tao, madalas ay parang larong hampas-palayok (hit the pot). Ang challenge ay kung paano ka makakalapit sa palayok at makakahampas dito habang nakapiring ang iyong mga mata. Maraming boses na sumisigaw sa paligid mo, nakakalito; ang iba sa kanila kusa kang inilalayo sa palayok, kasi hindi naman ikaw kundi ang anak nila ang gusto nilang papanalunin. Ang sikreto, kung ibig mong manalo sa laro ay

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press