ALA-ALA (SPOKEN POETRY TAGALOG)
ANALOU TESORO PUNAY
120● ALA-ALA
Isinulat Ni: Jun Araga
Music: Tunepocket - Your Sweetness
Isang pagkakataon na dati kay saya
Puno ng sigla at tuwa
Pag lipas ng panahon
dumating ang hamon
Lumaban pero minsan inaayawan
Show More
Anu man ang hirap
Sa tatag mo at iyong pag tanggap
Na sa buhay katuwang ay hirap
Ala ala ng saya.
Kahapon ay isa nalang kwentong
Pabaon sa mga masayang araw na naganap
Sa pag daan ng panahon
Tumitindi ang hamon
Sa halip na mag kulong at sumuko
May isang ala ala na
lalaban at mag bibigay lakas
Nawala man ang lahat
Pag ibig sa puso
ang syang di kumukupas
Sisibol at yayabong lakas ay mapapa malas
Para sa pag ibig na wagas.
Talunan ka man noon
Sa buhay na may pag asa.
Ikay babangon at babangon.
Lilipunin ang lahat.
Maangkin lang ang pag ibig na wagas
Sa isang ala ala
nabubuhay ang pag asa
Sa dami ng pait
sa dami ng bangis
Ala ala ay syang mag kukwento
sa buhay mo na may pag bangon sa hamon
Alalahanin mo lamang na isa ka
sa ala ala na nag buo.
kaya merong kahapon
Kung anu man ang buhay
na meron ka ngayon.
Sana maalala mo na
may nag mamahal sayo noon.
Na sa ala ala mo nalang minahal ngayon.











