PINAGTAGPO NI BATHALA (SPOKEN POETRY TAGALOG)
YOUTUBE CHANNEL: www.youtube.com/analoupunay
FB PAGE: https://www.facebook.com/analoutesoropunayhugotpoetry/
Feel free to send me your poetry at this email address: atpofficialspokenwords@gmail.com
Need music for your video or any other project?
TunePocket offers one of the most affordable music licensing solutions for video creators, videographers, filmmakers, freelancers, and marketers.
Show More
Download unlimited royalty free music and sound effects with annual subscription or just get a couple of soundtracks for a project with pay-as-you-go membership.
125● PINAGTAGPO NI BATHALA
Isinulat Ni: Klainyyy
Music: Tunepocket - If you love me
Sa simbahan ,
sa simbahan tayo’y
unang nagtagpo
Pag tingin sayo'y tila patago
pag iwas ng mga mata kong
nakatingin sayo,
ay siya namang tingin ng
mata mo
Di ako makapag salita
pag ikaw ay kaharap ko na
Tila ba natagpuan ko na
ang aking pinangarap
tuwing ikaw ay palapit
ako ay nanginginig
hindi ako mapakali
dahil sa tuwing ikaw ay lumalapit
ako'y hindi halos mapirmi
Mundo ko ay humihinto
pag ikay papalapit sakin
lumalayo ako ngunit
ika'y lapit ng lapit sa akin,
hindi ko maintindihan
kung ano nga ba
ang iyong pakay kung
bakit ka minsan ay ganyan
hindi ko malaman kung
ikaw ba,
ikaw ba ay may lihim na
pagtingin o sadyang ika'y
ganyan kahit sa iba mo
pang mga kaibigan.
hindi naman ako nagpifeeling na
magugustuhan mo din,
pero ang sakin lang
ay sana naman sabihin mo din
sabihin mo din ang tunay
na pakay mo
ng maintindihan ko rin
dahil baka mamaya
ako'y nagiilusyon lang pala
at umasa sa wala
kahit magkatotoo man ang ilusyon ko
ay pinakamatindi itong
pinagbawal sa simbahan
at Suspensyon ang kalaban
pag ito ay nalaman
Tanging ang Panginoon
nalang ang nakakaalam
Kaya't mananatiling patago
patago,
nalang ang lihim na pagtingin ko sayo
Nang sa gano'y di ako mabigo
pero kahit papano
nagpapasalamat parin ako
kay bathala,
dahil tayong dawala ay pinagtagpo
kahit hindi ako sigurado,
kung tayong dalawa
nga ba’y itinadhana.











