KASAL (SPOKEN POETRY TAGALOG)


12*● KASAL
Isinulat Ni: Maui Tolentino
Music: Tunepocket - Milk

Isa, dalawa, tatlo,
Pagbibilang ko
saking bawat hakbang
papalapit sa lalaking mahal ko

Show More

Nakasuot ng mahaba at puting tela
Tila ba isang prinsesa sa isang pelikula
Naglalakad sa gitna ng madla
Papalapit sa altar
Kung saan naghihintay
ang lalaking
limang taon ko nang minamahal.

Habang papalapit ako,
Nag-uumapaw ang ibat- ibang
emosyon sa puso ko,
Sa hindi malamang kadahilanan,
Nakangiti ako 🙂
ngunit may mga luhang tumutulo
at nag uunahan.😭

Diretso lang ang tingin ko sayo,
Nakangiti at sinasariwa
ang mga alaala nating binuo.
Hindi ko alintana
ang mga taong
nasa loob ng simbahang ito

Dahil nasa iyo lang
ang buong atensyon ko
Kahit nanlalabo na ang mata
dulot ng luha,😢
Hindi ako natinag
sa pagtitig sa iyong mukha🥺

Hindi ko inaasahan na
ganito ka pala kakisig
kapag nagsuot ka ng amerikana.😍

Nasa dulo na ako ng altar
at diretsong nakatingin sa mga mata mo
Tuloy- tuloy na rin
ang pagbagsak ng mga luha ko,😭

Ang saya, 😕ikakasal kana.🥺
Bubuo ka na ng sarili mong pamilya,
Pero ang sakit😣
Oo, ang sakit- sakit.😫

Kasi hindi ako, hindi ako😞
yung babaeng pakakasalan mo,
Hindi ako
yung kasama mong tutupad
sa pangarap mo,😞
Hindi ako
yung magiging ilaw ng tahanan
sa pamilyang bubuuin mo,☹️
Hindi ako
kundi ang kapatid ko.🥺😣💔

Mahal, nadurog ako.💔
Oo mahal.
Nadurog ako.
Durog na durog💔💔

Hindi ko maipaliwanag
yung sakit na naramdaman ko
Nang sabihin mo sa akin
na mahal mo pala ang kapatid ko💔😥

Na ginamit mo lang pala ako
Para makausap sya at
maipagtapat mo ang
nararamdaman mo sa kanya😥

Ang sakit sakit, mahal.😓
Pero kailangan kong tanggapin
dahil pareho ko kayong pinapahalagahan.😢

Mahal na mahal kita,🥺
Uulit ulitin ko iyan sayo
Mahal na mahal kita,❤️💔
Kahit alam kong mas
mahal na mahal mo sya.💔😢

Handa akong gawin ang lahat
Kahit pa ikawasak yun ng puso ko💔🥺
Makita lang kitang masaya
Kahit hindi na sakin,🥺
Basta alam kong masaya ka,
Kahit masakit,
Bibitawan kita..😥

Masaya nako,

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press