ANG HINDI MAPIPIGILANG PAGTAWAG SA MGA HIRANG NG DIOS! / EFFECTUAL CALLING / IRRESISTABLE GRACE


Ben Filio

3,789 views

ANG HINDI MAPIPILANG PAGTAWAG SA MGA HIRANG NG DIOS / EFFECTUAL CALLING / IRRESISTABLE GRACE

Ang isa sa mga dilema ng mga mananampalataya sa ating panahon ngayon, ay ang pagkakaroon ng tamang TEOLOHIYA ukol sa biyaya ng kaligtasan ng tao. Sapagkat marami sa mga katuruan ngayon Ang hindi naaayon sa katuruan ng Biblia. At maaring hindi natin ito napapansin, katulad ng mga “MAN-CENTERED THEOLOGY.” Na ang centro ng kaligtasan ng tao ay nakabase sa individual na kakayahan ng bawat isang tao at ang may CONTROL kung Siya ay maliligtas o hindi, ay nasa kanyang mga kamay. Na ang tao, bagamat ganap Ang pagiging makasalanan, ay may kapangyarihang umahon mula sa kanyang pagkakalugmok sa kasalanan at iligtas ang kanyang sarili mula sa kaparuhang kamatayan, batay sa kanyang sariling mga gawa.

Show More

Pero para sa isang tunay na mananampalataya na hinirang ng Dios, maaring iyong tinatanong ang iyong sarili: Naaayon ba sa Banal Na Salita Ng Dios ang mga katuruang ito? Tama ba na nasa kamay ko ang kakayahang iligtas ang aking sarili? O ang aking kaligtasan ba ay sa biyaya ng Dios? Ako ba ay kabilang sa mga HIRANG ng Dios Ama? Kung ako nga ay isa sa mga HIRANG, may chance ba na hindi ko marinig ang Kanyang pagtawag sa akin? At dahil dito ay hindi ako maligtas?

Yan ang mga katanungang ating sasagutin sa video na ito. Sa pamamagitan lamang ng Banal Na Salita Dios, ang Biblia, ay ating itong masasagot. Nawa ay gabayan tayo ng Banal Na Espiritu at Kanyang ihayag sa atin ang Banal Na Layunin ng Dios Ama sa planong pagliligtas, sa pamamagitan ni Hesu Kristo

Nawa ang Banal na Espiritu ng Dios ang Syang magbigay ng kaunawaan at paghahayag sa lahat ng makakarinig ng mensaheng ito.

Maraming Salamat po sa inyong pakikinig.

Sa Dios ang lahat ng papuri!
=========================================================
CREDITS:

REFERENCE
TRUTHS WE CONFESS - BY R.C. SPROUL
EFFECTUAL CALLING - BY STEVEN LAWSON
EFFECTUAL CALLING - BY CHARLES SPURGEON

PHOTO SOURCE
BY UNSPLASH
BY PEXEL
GOOGLE

FILMS FEATURED

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press