ANG KAPANGANAKAN NI HESU KRISTO: 5 BAGAY NA DAPAT MONG MAUNAWAAN
Ben Filio
ANG KAPANGANAKAN NI HESU KRISTO: 5 BAGAY NA DAPAT MONG MAUNAWAAN
Ang panahon ng kapaskuhan ay tunay ngang inaantabayanan ng bawat Pilipino. At ang bawat isa ay mayroong ibat-ibang kadahilanan kung bakit ito ipinagdiriwang.
Show More
At kapag tinanong mo sila, ay kadalasan ay iyong maririnig, na kaya sila excited kapag dumarating ang kapaskuhan ay dahil ito ay ang panahon ng kasiyahan at pagsasama sama ng mga pamilya at mga kaibigan. Sapagkat ito ang panahon ng mga kaliwat kanan na mga parties at mga reunion.
At wag nating kakalimutan, para sa mga bata, ito ay panahon ng maraming mga regalo at perang tinatanggap mula sa mga ninong, ninang, lolo, lola, tito, tita, mommy at daddy. Tunay nga na napakasaya ng panahong ito.
Ngunit, sa kabila ng “KOMERSYALISMONG” kahulugang ito ng kapakuhan na laganap sa buong mundo, ang tunay na mga mananampalataya ni Hesu Kristo, ay ipinagdidiwang ito sa mas malalim na kahulugan. Ang ating kagalakan at kasiyahan ay hindi nagmumula sa mga bagay na binibigay ng mundong ito.
Bukod sa KASIYAHANG kaakibat ng PASKO, ito ay nararapat ipagdiwang ng may kapakumbabaan at pasasalamat sa kapanganakan ng ating Panginoong Hesu Kristo. Sapagkat ito ay ang katuparan ng pagliligtas ng Dios sa sanglibutan na hinayag sa pamamagitan ng PROPESIYA na mahigit na 700 taon, bago ito maganap.
Sa videong ito ay ating pag aalabing muli ang ating damdamin at susubukang sagutin ang mga katanungang ito. Ano ba Ang KAHALAGAHAN NG KAPANGANAKAN NI HESU KRISTO? Sino ba Ang sanggol na ipinanganak sa isang sabsaban sa Bethlehem? At ano Ang kahulugan nito para sa akin?
Nawa ay patnubayan tayo ng Dios Ama, Dios Anak at Dios Espiritu Santo.
Maraming Salamat po sa inyong pakikinig.
Maligayang Pasko Po Sa Inyong Lahat!
Sa Dios ang lahat ng papuri!
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------
CREDITS:
REFERENCE
THE THEOLOGY OF CHRISTMAS - BY JOHN MC ARTHUR
FILMS FEATURED
LUMO Project: GOSPEL OF LUKE
LUMO











