Christian Dance | "Ang Buong Sansinukob ay Dumadagundong sa Papuri sa Diyos" | Praise Song
Christian Dance | "Ang Buong Sansinukob ay Dumadagundong sa Papuri sa Diyos" | Praise Song
I
Sobrang puno ng mga awit at magagandang sayaw,
ang sansinukob ay naging isang dumadaluyong na karagatan ng papuri.
Lumulukso ang mga bituin, ang buwan ay ngumingiti,
ang buong sansinukob ay puno ng pagpupuri, at sumasayaw kami nang may kalagalakan!
Ang Makapangyarihang Diyos, Cristo ng mga huling araw,
ay nagpakita sa lupa at ipinahayag ang mga katotohanan,
niyayanig ang bawat bansa, ang bawat denominasyon.
Ang mga hinirang na tao mula sa bawat bansa at bawat dako
ay narinig ang tinig ng Diyos, humaharap sila sa Kanyang trono sa pagsamba.
Sa Sion ay bumaling ang Diyos upang humarap sa sansinukob,
ibinubunyag ang Kanyang katuwiran at kabanalan.
Ang bayan ng Diyos ay puno ng kagalakan,
pinupuri ang Diyos nang walang patid.
II
Para mahalin ang Diyos, dapat tayong maghandog ng isang sinserong puso,
matapat na gampanan ang ating tungkulin,
at maging mapagsaalang-alang sa mga layunin ng Diyos.
Ang mga puso ng mga kapatid ay mahigpit na magkakaugnay.
Lalaki at babae, bata at matanda—lahat ay nagpupuri sa Diyos bilang iisa.
Naghahandog ka ng isang awit at maghahandog ako ng sayaw;
pinatotohanan mo ang Diyos at makikipagtulungan ako.
Pinapahiya natin ang demonyong malaking pulang dragon,
at pinararangalan ang pangalan ng totoong Diyos na makapangyarihan sa lahat.
Kita natin ang matuwid na disposisyon ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang gawain.
Ang Makapangyarihang Diyos ay isang matuwid na Diyos.
Nakita ng bayan ng Diyos ang Kanyang maluwalhating mukha,
at hinahangad ng lahat na mahalin Siya at mapalugod Siya.
Ang bayan ng Diyos ay handang maging tapat sa Diyos magpakailanman.
III
Ang Diyos ay nagkakamit ng kaluwalhatian sa lupa,
masaya ang lahat ng bansa at bayan,
Ang buhay sa kaharian ay napakaganda.
Isang bagong langit, isang bagong lupa, isang bagong kaharian,
nagsasayaw tayo at kumakanta para sa Diyos, at napakasaya natin.
Ang pinakamagagandang awit ay inaawit para sa Diyos,











