Christian Dance | "Ang Kagalakan sa Lupain ng Canaan" | Praise Song
Kaibigan, gusto mo bang magbasa ng higit pang mga salita ng Diyos at matuto ng daan ng Diyos? I-click ang link para makadalo sa aming fellowship. Wala itong bayad.
Messenger: https://shurl.me/TLMessenger
Christian Dance | "Ang Kagalakan sa Lupain ng Canaan" | Praise Song
Show More
Sa pagbabalik sa sambahayan ng Diyos,
nadarama ko ang walang kapantay na kagalakan at kasabikan.
Napakapalad ko na makita ang praktikal na Diyos,
naisakatuparan na ang matagal ko nang pinapangarap.
Ginagabayan ng mga pahayag ng Makapangyarihang Diyos ang mga tao
na pumasok sa Kapanahunan ng Kaharian.
Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos,
mayroon akong landas na tatahakin
at nauunawaan ko ang landas na dapat kong tahakin bilang tao.
Ako ay diniligan ng buhay na tubig ng buhay,
ang makaharap ang Diyos ay isang kasiyahan na walang kapantay.
Hindi na ako naghahanap kung saan-saan,
ang aking pangarap tungkol sa kaharian ng langit ay natupad na.
Ang magandang lupain ng Canaan ay ang mundo ng mga salita ng Diyos,
ang mamuhay sa loob ng Kanyang pagmamahal ay isang kasiyahan na walang kapantay.
Ang magandang lupain ng Canaan ay ang mundo ng mga salita ng Diyos,
ang mabuhay sa loob ng Kanyang pagmamahal ay kasiyahan na walang kapantay.
Dumalo ako sa piging ng Kordero,
tinanggap ko ang praktikal na pagsasanay ng kaharian.
Bagamat dumaan ako sa lambak ng mga luha,
ang pagmamahal na natikman ko mula sa Diyos ay totoong-totoo.
Nilinis ng mga paghihirap at pagsubok ang puso ko,
ginagawang mas dalisay ang pagmamahal ko sa Kanya.
Ang pagmamahal ko sa Diyos ay lumalago araw-araw,
ang aking puso ay nagagalak dahil sa pagmamahal na ito.
Ang pagiging mapagkakatiwalaan at matuwid
ng Diyos ay umaakit at bumibighani sa akin.
Ang disposisyon ng Diyos ay labis na kaibig-ibig,
ito ay malalim na nakabaon sa puso ko.
Hindi ko maibig nang sapat ang kagandahan at kabanalan ng Diyos.
Ako ay puno ng mga awit na nagpupuri sa Kanya mula sa kaibuturan ng aking puso.
Hindi ko maibig nang sapat ang kagandahan at











