Christian Dance | "Awitin ang Iyong Taos-pusong Pagmamahal para sa Diyos" | Praise Song
Christian Dance | "Awitin ang Iyong Taos-pusong Pagmamahal para sa Diyos" | Praise Song
I
Narinig natin ang tinig ng Diyos at nagbalik tayo sa bahay ng Diyos,
kung saan namumuhay tayo ng buhay-iglesia.
Dahil pinastol tayo ni Cristo
araw-araw tayong kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos
at dumadalo sa piging ng kaharian ng langit.
Sa pagsasagawa at pagdanas ng mga salita ng Diyos,
nauunawaan natin ang katotohanan
at pinalalaya ang ating mga puso.
Dahil tiyak tayo na si Cristo ay ang katotohanan,
nalupig na ang ating mga puso,
at matatag tayong sumusunod sa Diyos, namumuhay sa liwanag.
Mga kapatid, sama-sama tayong umawit!
Awitin nang malakas ang pagmamahal sa Diyos na nasa puso natin.
Inihahatid sa atin ng pagpapahayag ng Diyos ng katotohanan
ang daan tungo sa buhay na walang-hanggan,
na tinutulutan tayong maisabuhay ang wangis ng tao.
II
Hinahatulan at inilalantad ng mga salita ng Diyos ang katiwalian ng tao,
bawat salita ay walang iba kundi katunayan.
Dahil tayo ay mapagmataas at palalo, puno tayo ng mga kuru-kuro tungkol sa Diyos;
dahil bulag at mangmang tayo, hindi natin kilala ang Diyos.
Sa pagdanas ng mga pagsubok,
nagiging malinaw sa atin ang ating kalikasan;
nagsisisi tayo sa Diyos at nagsisimulang muli.
Dahil tiyak tayo na si Cristo ay ang katotohanan,
nalupig na ang ating mga puso,
at matatag tayong sumusunod sa Diyos, namumuhay sa liwanag.
Mga kapatid, sama-sama tayong umawit!
Awitin nang malakas ang pagmamahal sa Diyos na nasa puso natin.
Inihahatid sa atin ng pagpapahayag ng Diyos ng katotohanan
ang daan tungo sa buhay na walang-hanggan,
na tinutulutan tayong maisabuhay ang wangis ng tao.
III
Sa harap ng malupit na pang-aapi ni Satanas, hindi tayo umaatras;
ginagabayan tayo ng mga salita ng Diyos upang mapagtagumpayan ang matitinding pagdurusa.
Sa pag-unawa sa katotohanan, masusi nating nakikilala
at mas malinaw na nalalaman kung ano ang mamahalin at kung ano ang kapopootan.
Sumusumpa tayo sa ating mga buhay
na maghihimagsik laban kay Satanas at











