Christian Dance | "Ginabayan Tayo ng Makapangyarihang Diyos Hanggang Ngayon" | Praise Song
Christian Dance | "Ginabayan Tayo ng Makapangyarihang Diyos Hanggang Ngayon" | Praise Song
I
Ginabayan tayo ng Makapangyarihang Diyos sa kung nasaan tayo ngayon.
Nang mapagkumbaba at natatago, isinuot Niya ang katawang-tao
para diligan at ipastol tayo.
Sa pagpapahayag ng katotohanan at pagtutustos ng buhay,
Siya ay ang ating bukal ng tubig ng buhay.
Sa pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, walang kapantay ang ating kasiyahan.
Hinihikayat tayo ng mga salita ng Diyos na sundan Siya nang malapitan.
Sa pagsunod sa Makapangyarihang Diyos,
tayo ay masaya, kontento, at dama ang karangalan.
II
Ginabayan tayo ng Makapangyarihang Diyos sa kung nasaan tayo ngayon.
Ang Kanyang paghatol, mga pagsubok, at pagpipino ay nililinis tayo sa ating katiwalian.
Sa pamamagitan ng mga kapighatian, paghihirap, at pagsubok,
nakikita natin ang matuwid na disposisyon ng Diyos.
Lumalago ang takot natin sa Kanya at nagpapasakop
tayo sa bawat pamamatnugot at pagsasaayos Niya.
Mas lalo nating minamahal sa ating puso ang Makapangyarihang Diyos.
Ganap nating inihahandog ang ating puso sa Kanya
at nagpapatotoo tayo para luwalhatiin Siya.
III
Ginabayan tayo ng Makapangyarihang Diyos sa kung nasaan tayo ngayon.
Ang Kanyang mga salita ang nangunguna sa atin
sa mga pag-uusig, kapighatian, at pagsubok.
Kasama natin Siya sa ating paghihirap at binibigyan tayo ng pananampalataya at lakas.
Ang pagpapahayag ng Diyos ng katotohanan ay napakamakabuluhan;
ganap Niya tayong iniligtas!
Napakarami nating nalalaman sa pagiging kaibig-ibig ng Diyos.
Napakarami nating nakakamit sa pamamagitan ng pagsunod sa Makapangyarihang Diyos
at pagkaarok sa katotohanan.
IV
Ginabayan tayo ng Makapangyarihang Diyos sa kung nasaan tayo ngayon.
Talagang pinagpala tayo na makamit ang katotohanan at maging mga bagong taong
namumuhay sa harap ng Diyos!
Sa hindi masambit na kasiyahan at kaluguran, nakilala natin ang praktikal na Diyos.
Matapat nating gagawin ang ating mga tungkulin hanggang sa huli
para suklian ang pagmamahal











