Christian Dance | "Inihahandog Natin ang Ating Tapat na Puso" | Praise Song
Christian Dance | "Inihahandog Natin ang Ating Tapat na Puso" | Praise Song
I
Tayong magkakapatid ay masayang nagtitipon,
kinakain at iniinom ang mga salita ng Diyos, at pinupuri ang Diyos.
Walang pakialam ang Diyos kung ang ating kakayahan ay mahusay o hindi,
gusto Niya kapag inihahandog natin ang ating sinseridad.
Kinakain, iniinom, at tinatamasa natin ang mga salita ng Diyos sa bawat araw,
mapalad tayong makadalo sa hapunan ng kasal ng Kordero.
Tinatamasa natin ang pagmamahal ng Diyos, kaya dapat natin Siyang purihin;
nakakaramdam tayo ng galak kapag taos-puso natin Siyang pinupuri.
II
Mga kapatid, magmadali kayong purihin ang Diyos!
Pinalalaya ng pag-unawa sa katotohanan ang ating espiritu.
Hindi na nalilimitahan ng mga patakaran,
mayroon tayong landas na masusundan kapag pumapasok sa mga katotohanang prinsipyo.
Nagdadala ng kaliwanagan ang taos-pusong pagpupuri sa Diyos,
at dumarating sa atin ang mga pagpapala ng Diyos.
Nakakamit ang pagtanggap ng Diyos sa taos-pusong pagpupuri sa Kanya,
at natutugunan nito ang Kanyang mga layunin.
III
Mga kapatid, dapat nating pasalamatan ang Diyos;
iniligtas tayo ng Kanyang gawain.
Hinahatulan at dinadalisay Niya ang ating katiwalian.
Sa pamumuhay sa katotohanan, napakalaya natin.
Iwinawaksi natin ang mga makamundong gusot at pagkayamot,
at ngayon ay ipinamumuhay natin ang buhay ng kaharian.
Mas pinagpala tayo kaysa sa sinumang hari,
hindi natin ito ipagpapalit sa lahat ng kayamanan sa lupa.
IV
Dahil mahal natin ang Diyos, pwede natin Siyang purihin,
at ihandog ang ating tapat na puso.
Maswerte tayong sumunod sa Makapangyarihang Diyos;
ito ay pawang biyaya at mga pagpapala ng Diyos.
Dumarating ang lahat ng tao ng Diyos para purihin Siya;
karapat-dapat ang Makapangyarihang Diyos sa kaluwalhatian at papuring ito.
Dumarating ang lahat ng tao ng Diyos para purihin Siya;
karapat-dapat ang Makapangyarihang Diyos sa kaluwalhatian at papuring ito.
Show More
mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
Paalala: Ang lahat ng











