Christian Dance | "O Diyos! Hindi Ko Kayang Mabuhay Nang Wala Ka" | Praise Song
Christian Dance | "O Diyos! Hindi Ko Kayang Mabuhay Nang Wala Ka" | Praise Song
I
Sa pagkarinig ko sa tinig ng Diyos, tinatanggap ko Siya
at tunay na masaya ang puso ko.
Ang tapat na pagmamahal ng Diyos at ang Kanyang mga salita
ang ganap na lumupig sa puso ko.
Napakahalaga ng mga salita ng Diyos at ang bawat isa sa mga ito ay ang katotohanan,
na mahigpit na kumakapit sa puso ko.
Sa pagkakita sa pagiging kaibig-ibig ng Diyos,
madalas kong naiisip ang Kanyang pagmamahal.
II
Sa pagtatamasa sa mga salita ng Diyos, nakikita ko na ang Diyos ang katotohanan;
nag-uudyok ng pagmamahal ang Kanyang magandang mukha.
Inilalantad, hinahatulan, at pinupungusan tayo ng mga salita ng Diyos;
pinupukaw ng Kanyang mabubuting salita ang ating puso.
Natikman ko ang pagmamahal ng Diyos, at nagbago ang aking buhay disposisyon.
Pagmamay-ari ng pagmamahal ng Diyos ang puso ko;
hindi ko kayang mabuhay nang wala Siya.
III
Nakikita kong kaibig-ibig ang Diyos sa pamamagitan ng mga kapighatian at pagsubok
at banal at matuwid ang Kanyang disposisyon.
Nakakamit ko ang katotohanan at buhay,
dahil nahatulan at nasubok ako ng mga salita ng Diyos.
Nalinis ang tiwaling disposisyon ko,
at mas lalo kong nadarama ang kabutihan at pagiging kaibig-ibig ng Diyos.
Mamahalin ko ang Diyos nang buong puso at isip ko,
at magpapasailalim ako sa Kanyang mga pamamatnugot,
nang walang pagrereklamo.
IV
Iniligtas ng paghatol at pagkastigo ng Diyos ang sangkatauhan;
napakadakila, napakatunay ng pagmamahal ng Diyos.
Bagamat marami ang mga pagsubok at pagpipino,
mayroon akong patnubay ng mga salita ng Diyos.
Hindi ako natatakot kahit sa mas matitinding kapighatian.
Buo ang pananampalataya ko sa Diyos,
at matapat ko Siyang susundan hanggang kamatayan.
Titiisin ko ang lahat ng pagsubok, gaano man karami ang mga ito;
hindi kailanman magbabago ang pagmamahal ko sa Diyos sa aking puso.
Show More
mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
Paalala: Ang lahat ng video sa channel na ito ay mapapanood nang walang bayad.











