Christian Dance | "Panahon" | Praise Song


Christian Dance | "Panahon" | Praise Song

Isang malungkot na kaluluwa ang naglakbay rito mula sa malayo.
Naghahanap sa nakaraan, tumutuklas sa hinaharap,
nagtitiis ng hirap, sa paghahangad ng isang pangarap.

Show More

Hindi alam kung saan nagmumula o pumupunta.
Isinilang sa luha at naglalaho sa kawalan ng pag-asa,
patuloy itong lumalaban kahit tinatapak-tapakan.

Pagdating Mo'y tinatapos ang mahirap at inaanod na buhay.
Nakakita ako ng pag-asa, at sinasalubong ang liwanag ng bukang-liwayway.
Nakatitig sa malabong distansya, naaninag ko ang Iyong hugis.
Iyon ang ningning ng Iyong mukha.

Kahapon, napadpad sa banyagang lupa,
ngunit ngayon natagpuan ko na ang aking daan pauwi.
Tadtad ng mga sugat, walang wangis ng tao,
itinatangis ko na ang buhay ay isang panaginip.

Pagdating Mo'y tinatapos ang mahirap at inaanod na buhay.
Hindi na pagala-gala, hindi na naliligaw, nakauwi na ako.
Nakikita ko na ang Iyong puting damit at ang ningning ng Iyong mukha.

Pagdating Mo'y tinatapos ang mahirap at inaanod na buhay.
Hindi na pagala-gala, hindi na naliligaw, nakauwi na ako.
Nakikita ko na ang Iyong puting damit at ang ningning ng Iyong mukha.

Kayraming siklo ng muling pagsilang, kayraming taon ng paghihintay,
at ngayon dumating na ang Makapangyarihan.
Hindi na malungkot ang nag-iisang kaluluwa, nahanap na nito ang daan.
Isang panaginip ng libu-libong taon.

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Paalala: Ang lahat ng video sa channel na ito ay mapapanood nang walang bayad. Partikular na ipinagbabawal sa sinumang indibiduwal o grupo ang pag-a-upload, pagbago, pagbaluktot, o paghalaw ng anumang video sa Youtube channel ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos nang walang pahintulot. Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay may karapatang gumawa ng kahit anong at lahat ng legal na kalutasan sa anumang paglabag sa mga kondisyong ito. Mangyaring kontakin kami nang maaga para sa mga kahilingang ipalaganap ang mga ito sa publiko.

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press