Christian Dance | "Purihin ang Diyos Nang May Pusong Nagmamahal sa Kanya" | Praise Song


Christian Dance | "Purihin ang Diyos Nang May Pusong Nagmamahal sa Kanya" | Praise Song

I
Kung nais mong purihin ang Diyos, kumanta nang malakas hangga't kaya mo.
Kung nais mong sumayaw, tumayo at sumayaw.
Kung nais mong kaini't inumin ang mga salita ng Diyos,
kaini't inumin ang mga ito.
Kung nais mong manalangin, manalangin ka.
Isipin ang Diyos, magdasal-magbasa at magbahagi,
mag-isip, magnilay, at maghanap ka sa Diyos nang higit pa.
Makulay ang buhay ng iglesia, ang papuri ay maaaring may maraming anyo.
Sa pamumuhay sa mga salita ng Diyos araw-araw,
makikita ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos.
Ang pagpupuri sa Diyos ay nagpapalaya sa puso,
walang mga patakaran o pagpigil.
Sa totoong papuri may kasiyahan, at kapayapaan at kagalakan.
Ang pamumuhay sa presensiya ng Diyos,
nagdudulot ng kagalakang walang kaparis, totoong maligaya tayo.
II
Nagtipon-tipon upang matamasa ang mga salita ng Diyos,
matatamo natin ang gawain ng Banal na Espiritu.
Sa pagbabahagi sa katotohana't karanasan,
natatamasa natin mga pagpapala ng Diyos.
Ang pagsamba sa Diyos na may puso at katapatan ay ang buhay ng kaharian.
Tayong lahat ay tao ng kaharian ng Diyos,
nagtataglay ng pusong totoong mapagmahal sa Diyos.
Lubos nating natatamasa ang buhay-iglesia,
tayo'y kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos at nakakaunawa sa katotohanan.
Sa pagwaksi ng katiwalian at pagiging bagong tao,
nagpapasalamat sa Diyos at sa ating puso'y pinupuri Siya.
Sa paghatol ay nagiging dalisay tayo, nararanasan tunay na pag-ibig ng Diyos.
Sa nakikitang kadakilaan ng kaligtasan ng Diyos,
nagpapasalamat' nagpupuri tayo sa Diyos.
III
Mga kapatid, hindi madali sa ating magkatipun-tipon upang purihin ang Diyos.
Ang masidhing pagsupil ng malaking pulang dragon ay lubhang mapoot.
Napagdusahan natin ang pag-uusig at kahirapan,
naranasang lahat na maaaring maranasan sa buhay.
Walang nakagiba sa ating paninindigan, ito'y lubos na mula sa pag-ibig ng Diyos.
Ang napakalaking halagang ibinayad ng Diyos para sa ating kaligtasa'y

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press