Christian Dance | "Purihin ang Makapangyarihang Diyos sa Pagkakamit ng Kaluwalhatian" | Praise Song


Christian Dance | "Purihin ang Makapangyarihang Diyos sa Pagkakamit ng Kaluwalhatian" | Praise Song

I
O…
Napakasaya natin na magkatipun-tipon kasama ang mga kapatid,
umaawit, sumasayaw at nagtatambol,
pinupuri ang Makapangyarihang Diyos sa paggapi Niya kay Satanas.
Masaya ang Diyos, kaya masaya rin tayo.
Gumawa ang Diyos ng isang grupo ng mga mananagumpay.
Lumaganap na ang ebanghelyo ng kaharian sa bawat sulok ng mundo.
Tapos na ang dakilang gawain ng Diyos, nagkamit na Siya ng kaluwalhatian.
Nagpapatirapa tayo sa lupa, pinupuri ang Kanyang mga gawa.
II
O…
Napakasayang basahin ang mga salita ng Diyos,
nagbibigay ng kapangyarihan sa atin ang pag-unawa sa katotohanan.
Ang matatapat lamang na tumutupad sa kanilang tungkulin ang nagmamahal sa Diyos.
Magsitayo kayo at magpatotoo at purihin ang Diyos.
Masyado tayong ginawang tiwali ni Satanas,
at labis tayong pinagpala na madalisay at mailigtas ng Diyos.
Purihin Siya! Sumigaw sa kagalakan! Sobrang kaibig-ibig ang disposisyon ng Diyos.
Tungkulin natin ang magpatotoo sa gawain ng Diyos.
III
O…
Matuwid at banal ang disposisyon ng Makapangyarihang Diyos,
hinahatulan at nililinis ng Kanyang mga salita ang lahat ng tao ng Diyos.
Nagpapatotoo ang lahat ng nilikha tungkol sa Diyos,
nagpapatotoo sa Kanyang kamangha-manghang pagliligtas sa buong sangkatauhan.
Dinadalisay at binabago tayo ng mga salita ng Diyos upang maging mga bagong tao.
Iwinawaksi natin ang impluwensiya ni Satanas at namumuhay tayo sa liwanag.
Sumasamba sa Diyos ang lahat ng mga nilikha,
at pinupuri ang Makapangyarihang Diyos sa pagkakamit Niya ng kaluwalhatian!

Show More

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Paalala: Ang lahat ng video sa channel na ito ay mapapanood nang walang bayad. Partikular na ipinagbabawal sa sinumang indibiduwal o grupo ang pag-a-upload, pagbago, pagbaluktot, o paghalaw ng anumang video sa Youtube channel ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos nang walang pahintulot. Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay may

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press