Christian Dance | "Sa Pagsunod sa Diyos, Mas Lalong Nagliliwanag ang Landas sa Unahan" Praise Song
Christian Dance | "Sa Pagsunod sa Diyos, Mas Lalong Nagliliwanag ang Landas sa Unahan" | Praise Song
I
Nagtitipon tayo sa iglesia mula sa iba't ibang dako.
Mapalad tayo na natanggap natin
ang panustos at pagdidilig ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos.
Sa pagbabasa ng salita ng Diyos at pag-unawa sa katotohanan,
nag-uumapaw sa tamis ang ating puso.
Ang Diyos Mismo ang nagpapatnubay sa atin na tahakin ang maliwanag na landas ng buhay.
Sa hindi mabilang na mga kapighatian at paghihirap, nasa tabi natin ang Diyos,
at bagama't pinagdusahan natin ang lahat ng uri ng paghihirap,
lumago na tayo sa buhay.
II
Mahigpit nating sinusundan ang mga yapak ng Makapangyarihang Diyos,
araw-araw Siyang nagpapahayag ng mga salita upang gabayan tayo pasulong.
Sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, hinahatulan at sinusubok Niya tayo
para linisin ang ating katiwalian.
Tayo ay nagiging mga bagong tao at nagiging malaya ang ating puso.
Sa hindi mabilang na mga kapighatian at paghihirap, nasa tabi natin ang Diyos,
at bagama't pinagdusahan natin ang lahat ng uri ng paghihirap,
lumago na tayo sa buhay.
III
Sa pamamagitan ng paghatol, mga pagsubok, at mga pagpipino,
naranasan natin ang pagmamahal ng Diyos.
Nalaman natin ang matuwid na disposisyon ng Diyos
at may takot tayo sa Kanya sa puso natin.
Matapos maunawaan ang maraming katotohanan,
lalo nating nadarama na ang Diyos ay mabait at kaibig-ibig,
at nagpasya tayong magdala ng isang kahanga-hanga
at matunog na patotoo para sa Kanya.
Sa hindi mabilang na mga kapighatian at paghihirap, nasa tabi natin ang Diyos,
at bagama't pinagdusahan natin ang lahat ng uri ng paghihirap,
lumago na tayo sa buhay.
IV
Ang pagpapalaganap at pagpapalawig ng ebanghelyo ng kaharian
ay ang apurahang layunin ng Diyos.
Para maipalaganap ang ebanghelyo saanmang dako,
kailangan nating lahat na maghiwa-hiwalay.
Bagama't nasa iba't ibang rehiyon tayo, konektado ang ating mga puso bilang isa.
Magpupunyagi at magsusumikap tayo hanggang sa huli
upang gawing realidad ang











