Christian Dance | "Sumusunod Tayo sa Kordero at Umaawit ng mga Bagong Awit" | Praise Song


Christian Dance | "Sumusunod Tayo sa Kordero at Umaawit ng mga Bagong Awit" | Praise Song

I
Itinaas tayo sa harap ng trono at dumadalo sa piging ng kaharian.
Kinakain at iniinom natin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos
at nauunawaan natin ang maraming katotohanan.
Araw-araw tayong tumatanggap ng pagsasanay ng kaharian
kaya tunay na lumalago ang ating buhay.
Mayaman at masagana ang mga salita ng Diyos,
tinutustusan tayo ng buhay na tubig mula sa trono.
Tinatanggap natin ang pagpapastol ng pagkakatawang-tao ng Diyos,
at kinikilala natin ang karunungan at ang pagkamakapangyarihan-sa-lahat ng Diyos.
Inililigtas tayo ng Diyos sa impluwensiya ng kadiliman,
tinutulutan tayong mamuhay sa harap Niya.
Mahigpit nating sinusundan ang Cristo ng mga huling araw
at hinahangad natin ang katotohanan at buhay.
Salamat sa Makapangyarihang Diyos sa pagliligtas sa atin.
Sumusunod tayo sa Kordero at umaawit ng mga bagong awit.
II
Naghanda ng isang piging ang Diyos para sa atin;
napakasaya ng buhay kaharian!
Tinatanggap natin ang paghatol at pagkastigo ng Diyos;
sinubok at pinino tayo.
Nilinis ang ating mga tiwaling disposisyon,
at isinasabuhay natin ang bagong wangis ng tao.
Ito ang mga pagpapala at mga biyaya ng Diyos,
at sino pa ba ang mas pinagpala kaysa sa atin?
Ibinubunyag ng paglalantad at paghatol ng mga salita ng Diyos
ang Kanyang matuwid na disposisyon.
Nililinis ng mga salita ng Diyos ang ating katiwalian
at tinatanggap natin ang Kanyang dakilang pagliligtas.
Umaawit, sumasayaw, at pinupuri natin ang Diyos,
pinupuri ang paggapi Niya kay Satanas.
Naabot na ng Makapangyarihang Diyos ang ganap na kaluwalhatian
at pinupuri natin Siya magpakailanman!

Show More

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Paalala: Ang lahat ng video sa channel na ito ay mapapanood nang walang bayad. Partikular na ipinagbabawal sa sinumang indibiduwal o grupo ang pag-a-upload, pagbago, pagbaluktot, o paghalaw ng anumang video sa Youtube channel ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press