Christian Song | "Ang Pagtanggi sa Wakas-ng-Panahong Cristo ay Paglapastangan sa Banal na Espiritu"
Kaibigan, gusto mo bang magbasa ng higit pang mga salita ng Diyos at matuto ng daan ng Diyos? I-click ang link para makadalo sa aming fellowship. Wala itong bayad.
Messenger: https://shurl.me/TLMessenger
Tagalog Christian Song | "Ang Pagtanggi sa Wakas-ng-Panahong Cristo ay Paglapastangan sa Banal na Espiritu"
Show More
I
Si Cristo'y dumarating sa mga huling araw
upang lahat ng tunay na naniniwala sa Kanya
ay mabigyan ng buhay.
Gawain Niya'y para sa kapakanan
ng pagtapos sa lumang kapanahunan
at pagpasok sa bago't
gawain Niya'y ang landas
na dapat tahakin ng lahat ng papasok
sa bagong kapanahunan.
Kung Siya'y 'di mo kayang kilalanin,
at sa halip Siya'y 'yong kinokondena,
nilalapastangan, o Siya'y inuusig mo pa,
kung gayon ika'y nakatakdang masunog
nang walang hanggan
at 'di kailanman makapapasok
sa kaharian ng Diyos.
II
'Pagkat ang Cristong ito'y
ang Mismong pagpapahayag ng Banal na Espiritu,
ang pagpapahayag ng Diyos,
ang Siyang pinagkatiwalaan ng Diyos
na gawin ang gawain Niya sa lupa.
Kaya sinasabi ng Diyos na kung 'di mo tanggap
lahat ng ginagawa ni Cristo ng mga huling araw,
kung gayon ay nilalapastangan mo
ang Banal na Espiritu.
Ang kaparusahang dapat matanggap
ng mga lumalapastangan sa Banal na Espiritu
ay maliwanag sa lahat.
Ang kaparusahang dapat matanggap
ng mga lumalapastangan sa Banal na Espiritu
ay maliwanag sa lahat.
III
Sinasabi rin ng Diyos sa iyo na
kung si Cristo ng mga huling araw
ay nilalabanan o itinatakwil mo,
wala nang ibang papasan
ng mga kahihinatnan para sa iyo.
Higit pa rito, mula sa araw na 'to,
wala ka nang pagkakataong makamit
ang pagsang-ayon ng Diyos;
kahit subukan mong tubusin ang sarili,
hindi mo na mapagmamasdang muli
ang mukha ng Diyos.
'Pagkat ang nilalabanan
o ang itinatakwil mo'y 'di isang tao,
'di hamak na nilalang, kundi si Cristo.
Alam mo ba kung ano'ng kahihinatnan nito?
IV
'Di isang maliit na pagkakamali
ang magagawa mo,
kundi isang karumal-dumal na krimen.
Kaya payo ng Diyos sa lahat na
huwag ilabas ang inyong mga pangil
sa











