Genesis 28πŸ“– Nag-asawa si IEsau ng isa pa


Bible Reading
Genesis 28πŸ“–
πŸ“– Nag-asawa si IEsau ng isa pa

Genesis 28:1-5,0,6-22
[1]Kaya tinawag ni Isaac si Jacob at matapos basbasan ay pinagbilinan, β€œHuwag kang mag-aasawa ng Cananea.
[2]Pumunta ka sa Mesopotamia, sa bayan ng iyong Lolo Bethuel. Doon ka pumili ng mapapangasawa sa mga pinsan mo, sa mga anak ng iyong Tiyo Laban.
[3]Sa iyong pag-aasawa, pagpalain ka ng Makapangyarihang Diyos, at nawa'y magkaroon ka ng maraming anak upang ikaw ay maging ama ng maraming bansa.
[4]Pagpalain ka nawa niya, gayundin ang iyong lahi, tulad ng ginawa niya kay Abraham. Mapasaiyo nawa ang lupaing ito na iyong tinitirhan, ang lupang ipinangako ng Diyos kay Abraham.”
[5]Pinapunta nga ni Isaac si Jacob sa Mesopotamia, sa kanyang Tiyo Laban na anak ni Bethuel na taga-Aram. Si Laban ay kapatid ni Rebeca na ina nina Jacob at Esau.
[0]Nag-asawa si Esau ng Isa pa
[6]Nalaman ni Esau na pinapunta ni Isaac si Jacob sa Mesopotamia upang doon mag-asawa. Nalaman din niya na pagkatapos basbasan si Jacob ay pinagbawalan itong mag-asawa ng babaing taga-Canaan.
[7]Nalaman din niyang sinunod ni Jacob ang kanyang ama't ina at nagpunta nga sa Mesopotamia.
[8]Nang mabatid ni Esau na ayaw ng kanyang ama sa babaing Cananea,
[9]nagpunta siya sa kanyang Tiyo Ismael na anak din ng kanyang Lolo Abraham. Nag-asawa siya ng isa pa, ang pinsan niyang si Mahalat na kapatid ni Nebayot at anak ni Ismael.
[10]Umalis nga si Jacob sa Beer-seba at nagpunta sa Haran.
[11]Inabot siya nang paglubog ng araw sa isang lugar at minabuti niyang doon na magpalipas ng gabi. Isang bato ang inunan niya sa kanyang pagtulog.
[12]Nang gabing iyon, siya'y nanaginip. May nakita siyang hagdan na abot sa langit at nagmamanhik-manaog doon ang mga anghel ng Diyos.
[13]Walang anu-ano'y nakita niya si Yahweh sa tabi niya. Wika sa kanya, β€œAko si Yahweh, ang Diyos ni Abraham at ni Isaac. Ang lupang ito na iyong hinihigan ay ibibigay ko sa iyo at sa iyong lahi.
[14]Darami sila na parang alikabok sa lupa at lalaganap sila sa apat na sulok

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press