Genesis 32๐Ÿ“– Humanda si Jacob na salubungin si Esau


๐Ÿ“–Daily Bible Reading
Genesis 32๐Ÿ“–
๐Ÿ“–Humanda si Jacob na salubungin si Esau

Genesis 32:1-32
[1]Nagpatuloy si Jacob sa paglalakbay at sinalubong siya ng mga anghel ng Diyos.
[2]Kaya't sinabi niya, โ€œIto ang hukbo ng Diyos,โ€ kaya tinawag niyang Mahanaim ang lugar na iyon.
[3]Nagpadala siya ng mga sugo sa kapatid niyang si Esau sa lupain ng Seir, sa lupain ng Edom.
[4]Ganito ang kanyang ipinasabi: โ€œAko si Jacob na abang lingkod mo. Matagal akong nanirahan sa Tiyo Laban at ngayon lamang ako uuwi.
[5]Marami akong mga baka, asno, tupa, kambing at mga alipin. Pinauna ko ang mga sugong ito upang ipakiusap sa iyo na magkasundo na tayo.โ€
[6]Pagbalik ng mga sugo, sinabi nila, โ€œNakausap po namin si Esau at ngayon po'y nasa daan na siya at may kasamang apatnaraang lalaki upang salubungin kayo.โ€
[7]Natakot si Jacob at lubhang nabahala. Kaya't pinagdalawa niyang pangkat ang kanyang mga tauhan pati mga hayop
[8]upang, kung salakayin sila ni Esau, ang isang pangkat ay makakatakas.
[9]At nanalangin si Jacob, โ€œDiyos ni Abraham at ni Isaac, tulungan po ninyo ako! Sinabi po ninyong ako'y bumalik sa aming lupain at mga kamag-anak, at hindi ninyo ako pababayaan.
[10]Hindi po ako karapat-dapat sa lahat ng kagandahang-loob ninyo sa akin. Nang tumawid po ako sa Jordan, wala akong dala kundi tungkod, ngunit ngayon sa aking pagbabalik, dalawang pangkat na ang aking kasama.
[11]Iligtas ninyo ako sa kamay ng aking kapatid na si Esau. Nangangamba po akong sa pagkikita nami'y patayin niya kami pati mga babae at mga bata.
[12]Nangako po kayong hindi ninyo ako pababayaan. Sinabi ninyong pararamihin ninyo ang aking lahi, sindami ng mga buhangin sa dagat.โ€
[13]Kinabukasan, si Jacob ay naghanda ng regalo para kay Esau. Pumili siya ng
[14]dalawampung barako at dalawandaang inahing kambing, dalawandaang inahing tupa at dalawampung barako,
[15]tatlumpung gatasang kamelyo na may mga anak, apatnapung inahing baka at sampung toro, at dalawampung inahing asno at sampung lalaking asno.
[16]Bawat kawan ay

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press