Genesis 33๐Ÿ“– Nagkita sina Jacob at Esau


๐Ÿ“–Bible Reading
Genesis 33๐Ÿ“–
๐Ÿ“– Nagkita sina Jacob at Esau

Genesis 33:1-20
[1]Natanaw ni Jacob na dumarating si Esau kasama ang apatnaraan niyang tauhan. Kaya't pinasama niya ang mga bata sa kani-kanilang ina.
[2]Nasa unahan ang dalawang asawang-lingkod at ang kanilang mga anak, kasunod si Lea at ang kanyang mga anak, at sa hulihan si Raquel at ang anak nitong si Jose.
[3]Umuna si Jacob sa kanilang lahat at pitong ulit na yumukod hanggang sa makarating sa harapan ng kapatid.
[4]Siya'y patakbong sinalubong ni Esau, niyakap nang mahigpit at hinagkan. Nag-iyakan ang magkapatid.
[5]Nang makita ni Esau ang mga babae at mga bata, itinanong niya kung sino sila.โ€œIyan ang mga anak na kaloob sa akin ng Diyos,โ€ tugon ni Jacob.
[6]Nagsilapit ang mga asawang-lingkod na kasama ang mga bata at yumukod;
[7]sumunod si Lea at ang kasamang mga bata, at sa katapus-tapusa'y si Jose at si Raquel. Yumukod silang lahat at nagbigay-galang kay Esau.
[8]โ€œAno naman ang mga kawan na nasalubong ko?โ€ tanong ni Esau.โ€œIyon ay mga pasalubong ko sa iyo,โ€ sagot niya.
[9]Ngunit sinabi ni Esau, โ€œSapat na ang kabuhayan ko. Sa iyo na lang iyan.โ€
[10]Sinabi ni Jacob, โ€œHindi! Para sa iyo talaga ang mga iyan; tanggapin mo na kung talagang ako'y pinapatawad mo. Pagkakita ko sa mukha mo at madama ang magandang pagtanggap mo sa akin, para ko na ring nakita ang Diyos!
[11]Kaya, tanggapin mo na ang regalo ko sa iyo. Naging mabuti sa akin ang Diyos; hindi ako kinapos sa anumang bagay.โ€ At hindi niya tinigilan si Esau hanggang sa tanggapin nito ang kanyang kaloob.
[12]โ€œSige, umalis na tayo, at ako na ang mauuna sa inyo,โ€ sabi ni Esau.
[13]Sinabi ni Jacob, โ€œAng mga bata'y mahina pa. Inaalaala ko rin ang mga tupa at bakang may bisiro. Kung tayo'y magmadali para makatipid ng isang araw, baka naman mamatay ang mga ito.
[14]Mabuti pa, mauna ka na at kami'y susunod sa inyo. Sisikapin ko namang bilis-bilisan ang lakad hanggang kaya ng mga hayop at bata, at mag-aabot din tayo sa Seir.โ€
[15]โ€œKung gayon, pasasamahan ko

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press