MAY KAKAYANAN BA ANG TAO LUMAPIT KAY HESU KRISTO? JOHN 6:65 / ANG GANAP NA PAGKAMAKASALANAN NG TAO!
Ben Filio
MAY KAKAYANAN BA ANG TAO LUMAPIT KAY HESU KRISTO? JOHN 6:65 /
ANG GANAP NA PAGKAMAKASALANAN NG TAO!
Ang videong ito ay tumatalakay sa mga katanungang, “Ano ang mauuna, ANG ESPIRITUAL NA KAPANGANAKAN O ANG PANANAMPALATAYA?”. “ANG TAO BA SA KANYANG GANAP NA PAGKAMAKASALANAN AY MAKAKALAPIT KAY HESU KRISTO?”. “MAY KAKAYANAN BA ANG TAO NA PILIIN ANG MGA BAGAY UKOL SA DIOS?”. Sa pamamagitan ng Biblia ay atin itong sasagutin sa paggabay ng Banal na Espiritu ng Dios AMA.
Show More
INTRO:
Isang taon na po ang nakakalipas nang ang Covid 19 Pandemic ay pumasok sa ating bansa na nagdulot ng maraming pagbabago sa ating mga buhay. Ang dating NORMAL na ginagawa natin sa araw araw ay nagbago at pinalitan ng tinatawag natin ngayon na NEW NORMAL. Maraming di magandang bagay ang naidudulot nito sa atin katulad ng pagkakaroon ng takot at pangamba para sa hinaharap. Tayo bilang mananampalataya ni Hesu Kristo, bagamat tayo ay nakakaramdam din ng mga ito, ang ating pag asa ay nananahan sa ating Dios Ama na “Sovereign Over All His Creation” at ang nakakaalam ng lahat ng mga bagay.
Para sa akin, ang isa sa mga magandang bagay na naidulot ng Covid 19 Pandemic, ay ang bawat isang mananampalataya ay nagkaroon ng oras para sa mas malalim at marubdob na pag aaral sa Banal Na Salita ng Dios. At sa aking pananaw lang po, ay ang Dios, being Sovereign Over all His Creation, ay gumalaw sa mundo at pinatahimik ito upang ang Kanyang mga anak ay marinig ang Espiritu Santo na nagnanais gumawa sa ating mga buhay. At maihayag ang Kanyang nais sa pamamagitan ng Banal Na Salita ng Dios, ang Biblia. Sapagkat alam natin na Ang Biblia ay ang FINAL Authority in terms of our FAITH and the teachings of our Lord Jesus Christ. At ang Biblia ay “...kinasihan ng Diyos at mapapakinabangan sa pagtuturo, sa pagsaway, pagtutuwid, at sa pagsasanay sa katuwiran, upang ang tao ng Diyos ay maging ganap, nasasangkapang lubos sa lahat ng mga gawang mabuti.” (2 Timoteo 3:16-17).
Sa Videong ito ay nais ko pong ihayag sa inyo ang











