👉Nako! Atong Ang Iniwan na ni Atty. Lorna Kapunan. Bakit? Atty. Guanson may reaction kay Totoy!
Bro. Wendell Talibong ~ PananampalatayaatKatuwiran
#faithjourneys #SEEKING #UNDERSTANDING #ONECFD #oncesavedalwayssaved #signofthecross #ceofexorcism #rebulto #sacredimages
Ayo sa mga Obispo sa CBCP "Kami po ay lubos na nababahala sapagkat tila may bagong salot o virus na sumisira sa mga indibidwal at pamilya, at sa lipunan. Ito ay tahimik na kumakalat at nagdudulot ng malawakang pagkaalipin. Ang salot na ito ay ang pagkasugapa sa online gambling o sugal sa internet. Akala natin nakaligtas na tayo sa POGO at E-Sabong, at hindi maipagkakaila ang malalang epekto ng mga ito na hanggang ngayon ay ating dinaranas. Pero narito ang bagong mukha ng pagsusugal. Hindi natin namamalayan, talamak na ito, at marami, kasama na ang mga kabataan, ang nagiging adik sa online gambling.
Ang pagsugal ay hindi naman bago; ngunit ang bagong mukha na ibinigay dito ng digital technology ay naghatid ng isang napakatinding panganib. Sa pamamagitan ng smart phones kaya nang pasukin kahit saan ninuman ang pasugalan—bata man o matanda. Naging bukas 24-oras kada araw, 7-araw kada Linggo. Isang pindot lang sa anumang online account o e-wallet ay sapat na para mawala sa isang tao ang lahat ng nakadepositong pera sa loob lamang ng isang iglap. Pwede pa ngang umutang online ng pansugal.
Sa pagsusugal ang konsensiya ay para bang unti-unting nagiging manhid. Kinukundisyon tayo para isipin na ito ay “normal na libangan” lamang o “pampasaya,” na “wala namang masama dito.” Pero malinaw ang sinasabi ng Katesismo ng Simbahang Katolika tungkol dito: “…ang sugal ay mali kung ito ay nagdudulot ng pagkalulong o pagkaubos ng dapat ay para sa mga pangangailangan ng pamilya” (Catechism of the Catholic Church #2413).
Bakit kaya mukhang tahimik ang lipunan?
Bakit mistulang tahimik ang marami sa media, sa gobyerno at sa mundo ng negosyo? Hindi kaya dahil ang marami sa kanila ay nakikinabang din dito? Sa kasalukuyan, kapansin-pansin na hindi gaanong pinagtutuunan ng atensyon ang online gambling sa media, ginawang legal ng pamahalaan, pinopondohan ng malaki ng mga negosyante ng sugal, at pinapatakbo ng mga online platforms dahil sa napakalaking kita mula rito. Nitong taon 2024 lamang, tinatayang mahigit 154 bilyong piso ang naitalang kinita ng mga ito, halos 165 porsiyentong pagtaas mula sa nakaraang taon. At ang nakalulungkot ay sa maraming pagkakataon ang mga pamilya, komunidad – pati na rin ang simbahan – ay nananatiling tahimik din sa panaghoy ng dumaraming bilang ng mga humihingi ng tulong dahil sa pagkaalipin dito." Bahagi lang ito sa pahayag ng mga Obispo sa boong bansa.
Watch the Video.
www.youtube.com/c/BroWendellTalibong
Collaborated to the youtube channels of:
âś…Mr. Curius Catholic https://www.youtube.com/@mr.curiouscatholic
âś…FactBusters PH www.youtube.com/@FactbustersPH/videos
âś…Pananampalataya at Katuwiran www.youtube.com/@PananampalatayaatKatuwiran
âś…Fallow me in my Tiktok account : vm.tiktok.com/ZT8Lo87hs/
âś… PLEASE HELP SUPPORT THIS INISTRY BY SUBSCRIBING! IT'S FREE!
----------------------------------------------------------------------
FOR THE EVANGELIZATION AND CHARITABLE WORKS, you may donate through
âś…GCASH: 09075739171
âś… PAYPAL: @wendelltalibong
âś… BPI: Wendell Talibong 9369-1837-85