NEW YEARS RESOLUTION: DAPAT BANG GUMAWA NITO ANG MGA KRISTIANO?
NEW YEARS RESOLUTION: DAPAT BANG GUMAWA NITO
ANG MGA KRISTIANO?
Hay ang Bagong Taon ay nandito na naman. Panahon ng panibagong simulain. A “Fresh Start” ika nga. At sigurado, nag uumpisa ka ng isulat ang iyong New Year’s Resolution sa pagbubukas ng Bagong Taon.
Show More
Maaring ito ay gusto mong pumayat, o kaya ay iwanan na ang mga masasamang bagay sa buhay mo, o di kaya ay matuto ng mga bagong kaalaman! At pagkatapos ng dalawang linggo ng bagong tao na ito, ay hindi mo na ito magawa o masimulan. Kayat sasabihin mo na lang sa iyong sarili, “Meron pa namang next year!”
Ngayon tama po bang ang mga Kristiano ay gumawa ng New Years Resolution. Well Oo naman. Wala namang masama kung ikawa ay nagseset ng mga personal goals. Pero lagi lang nating pakakatandaan mga Kapatid, na kung kayo man ay kumakain, umiinom, o anuman ang inyong ginagawa, gawin ninyo ang lahat sa ikaluluwalhati ng Diyos.
1 Corinto 10:31
Ang Biblia, 2001
31 Kaya kung kayo man ay kumakain, umiinom, o anuman ang inyong ginagawa, gawin ninyo ang lahat sa ikaluluwalhati ng Diyos.
Atin din isaalang-alang din ang sinabi ni Santiago
Santiago 4:13-16
Ang Biblia, 2001
Babala Laban sa Kapalaluan
13 Halikayo ngayon, kayong nagsasabi, “Ngayon o bukas ay pupunta kami sa ganito o sa ganoong bayan, at kami ay mangangalakal doon ng isang taon at kikita.”
14 Gayunman ay hindi ninyo nalalaman kung ano ang magaganap bukas. Ano ba ang inyong buhay? Kayo nga'y isang singaw na sa sandaling panahon ay lumilitaw, at pagkatapos ay naglalaho.
15 Sa halip ay dapat ninyong sabihin, “Kung loloobin ng Panginoon kami ay mabubuhay at gagawin namin ito o iyon.”
16 Subalit ngayon ay nagmamalaki kayo sa inyong mga kayabangan. Ang lahat ng gayong pagmamalaki ay masama.
Oo Kapatid, tunay na masama kung iyong iisipin na kontrolado mo ang lahat ng mangyayari sa buhay mo. Alam mo si Job ay nauunawaan na kanyang mga araw ay itinakda na, at ang bilang ng kanyang mga buwan ay nasa iyo, at iyong itinalaga ang kanyang mga hangganan upang huwag siyang











