PANGINOON NG SABBATH / ARAW NG PAMAMAHINGA
Ben Filio
PANGINOON NG ARAW NG PAMAMAHINGA
Sa Marcos 2, si Hesu Kristo at ang Kanyang mga alagad ay naglalakad sa triguhan sa Araw ng Pamamahinga o Sabbath.
Show More
Ayon sa ika Apat na utos ng Dios, na lagi nating tandaan at ilaan para sa Dios ang Araw Ng Pamamahinga. At di tayo nararapat magtrabaho at gumawa.
Exodo 20:8-10
Magandang Balita Biblia
8 “Lagi mong tandaan at ilaan para sa akin ang Araw ng Pamamahinga. 9 Anim na araw kang magtatrabaho, at tapusin mo ang dapat gawin. 10 Subalit ang ikapitong araw ay para kay Yahweh na iyong Diyos; ito ay Araw ng Pamamahinga. Sa araw na ito'y huwag magtrabaho ang sinuman sa inyo; kayo, ang inyong mga anak, mga aliping lalaki o babae, ang inyong mga alagang hayop, ni ang mga dayuhang nakikipamayan sa inyo.
Ngayon habang naglalakad ang mga disipolo sa triguhan ay pumitas sila ng trigo. Sinabi ng mga Pariseo kay Jesus, “Tingnan mo ang ginagawa ng iyong mga alagad. Mahigpit iyang ipinagbabawal ng Kautusan sa Araw ng Pamamahinga!”
Marcos 2:23-27
Magandang Balita Biblia
Katanungan tungkol sa Araw ng Pamamahinga
23 Isang Araw ng Pamamahinga, naparaan si Jesus at ang kanyang mga alagad sa triguhan. Habang sila'y naglalakad, ang mga alagad ay pumipitas ng trigo. 24 Sinabi ng mga Pariseo kay Jesus, “Tingnan mo ang ginagawa ng iyong mga alagad. Mahigpit iyang ipinagbabawal ng Kautusan sa Araw ng Pamamahinga!”
At sinagot sila ni Hesus, “Itinakda ang Araw ng Pamamahinga para sa tao; hindi nilikha ang tao para sa Araw ng Pamamahinga. 28 Ang Anak ng Tao ay Panginoon maging ng Araw ng Pamamahinga.”
Marcos 2:27-28
Magandang Balita Biblia
27 Sinabi rin ni Jesus, “Itinakda ang Araw ng Pamamahinga para sa tao; hindi nilikha ang tao para sa Araw ng Pamamahinga. 28 Ang Anak ng Tao ay Panginoon maging ng Araw ng Pamamahinga.”
Sa ating panahon ngayon, tayo po ay nabubuhay sa mundo sa panahong tinatawag na “Age Of Fulfilment”. Sa Mateo 5:17 ay sinabi ni Hesus “Huwag ninyong akalaing naparito ako upang ipawalang-bisa ang Kautusan at ang mga Propeta.[a]











