Silent LS 14: Ang Banal Na Kasulatan Mula Sa Aklat Ng Mateo
Mateo 14
Ang Pagkamatay ni Juan na Tagapagbautismo
1 Nang panahong iyon ay narinig ng tetrarkang[a] si Herodes ang balita tungkol kay Jesus.
2 At sinabi niya sa kanyang mga lingkod, “Ito ay si Juan na Tagapagbautismo na muling binuhay[b] sa mga patay; kaya't nagagawa niya ang mga kababalaghang ito.”
3 Sapagkat dinakip ni Herodes si Juan, iginapos niya ito at inilagay sa bilangguan dahil kay Herodias, na asawa ng kanyang kapatid na si Felipe.[c]
4 Sapagkat sinabi ni Juan sa kanya, “Hindi ipinahihintulot sa iyo na angkinin mo siya.”
5 Bagama't ibig niyang ipapatay si Juan, natakot siya sa mga tao sapagkat kanilang itinuturing si Juan[d] na isang propeta.
6 Ngunit nang dumating ang pagdiriwang ng kaarawan ni Herodes, sumayaw sa gitna nila ang anak na babae ni Herodias, at ito ay ikinatuwa ni Herodes.
7 Kaya't siya'y nangako na may sumpa na kanyang ibibigay ang anumang hilingin nito.
8 Sa udyok ng kanyang ina ay sinabi niya, “Ibigay mo sa akin dito sa isang pinggan ang ulo ni Juan na Tagapagbautismo!”
9 Nalungkot ang hari, ngunit dahil sa kanyang mga sumpa at sa mga panauhin, ipinag-utos niyang ibigay iyon.
10 Nagsugo siya at pinapugutan niya ng ulo si Juan sa bilangguan.
11 Dinala na nasa isang pinggan ang kanyang ulo at ibinigay sa dalaga, at dinala naman nito sa kanyang ina.
12 Dumating ang mga alagad ni Juan,[e] kinuha ang bangkay at inilibing ito. Pagkatapos, sila'y umalis at ibinalita kay Jesus.
Ang Pagpapakain sa Limang Libo
13 Nang marinig ito ni Jesus, umalis siya roon na sakay ng isang bangka tungo sa isang ilang na lugar na wala siyang kasama. Nang mabalitaan ito ng maraming tao, naglakad silang sumunod sa kanya mula sa mga bayan.
14 Pagdating niya sa pampang, nakita niya ang napakaraming tao. Nahabag siya sa kanila at pinagaling niya ang mga maysakit sa kanila.
15 Nang nagtatakipsilim na, lumapit sa kanya ang mga alagad niya, na nagsasabi, “Ilang na lugar ito, at lumipas na ang maghapon. Papuntahin mo na ang mga tao sa mga nayon upang makabili sila ng











