Tagalog Christian Music Video | "Naghihintay sa Mabuting Balita ng Diyos"


Kaibigan, gusto mo bang magbasa ng higit pang mga salita ng Diyos at matuto ng daan ng Diyos? I-click ang link para makadalo sa aming fellowship. Wala itong bayad.
Messenger: https://shurl.me/TLMessenger

Tagalog Christian Music Video | "Naghihintay sa Mabuting Balita ng Diyos"

Show More

I
Nang may pananabik, agad Kang tumatawag.
Pagharap sa malupit na mga tao, sinasabi Mo'ng nasa puso Mo.
Para sa inaasam, mga mali'y Iyong tinitiis,
ibinubuhos pag-asa't dugo ng 'Yong puso.

'Di Ka umaasa nang sobra, lahat binibigay Mo,
'di na bago sa sakit at pag-uusig.
O Banal, sinong maihahambing sa kagandahan Mo?
Dakilang gawain Mo'y pararangalan magpakailanman.

Papa'no Kita maiiwan para lang maghanap ng kalayaan?
Mas nais kong magdusa upang maghilom ang puso Mo.
Papa'no Kita maiiwan para lang maghanap ng kalayaan?
Pag namumulaklak muli, makikinig ako sa 'Yong mabuting balita.

II
Nahulog ako sa kasalanan ngunit bumabangon sa liwanag.
Lubos na nagpapasalamat sa pagtataas Mo.
Nagkatawang-taong Diyos ay nagdurusa, ako pa kaya?
Kung sumuko ako sa dilim, pa'no ko makikita ang Diyos?

Papa'no Kita maiiwan para lang maghanap ng kalayaan?
Mas nais kong magdusa upang maghilom ang puso Mo.
Papa'no Kita maiiwan para lang maghanap ng kalayaan?
Pag namumulaklak muli, makikinig ako sa 'Yong mabuting balita.

III
'Pag iniisip mga salita Mo,
mas lalo Kitang inaasam.
Tuwing nakikita ko'ng Iyong mukha,
nakokonsensyang nagpupugay ako sa Iyo.

Papa'no Kita maiiwan para lang maghanap ng kalayaan?
Mas nais kong magdusa upang maghilom ang puso Mo.
Papa'no Kita maiiwan para lang maghanap ng kalayaan?
Pag namumulaklak muli, makikinig ako sa 'Yong mabuting balita.
mula sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Paalala: Ang lahat ng video sa channel na ito ay mapapanood nang walang bayad. Partikular na ipinagbabawal sa sinumang indibiduwal o grupo ang pag-a-upload, pagbago, pagbaluktot, o paghalaw ng anumang video sa Youtube channel ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos nang walang pahintulot.

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press