Luwalhatiin Ka - Psalmo Music
Paul Armesin
Katulad ng ibang kantang nasulat ko noong 2010, simple lang din ang tono at lyrics nito. Madaling sabayan, madaling kantahin at tugtugin. Pero nung panahon na sinusulat ko ito, sinadya ko na ang unang salita sa unang linya at unang dalawang barra ay "Diyos". Tungkol naman ito sa Kanya, para sa Kanya at sa kaluwalhatian Niya.
LUWALHATIIN KA
Lyrics and Music by Paul Armesin
DIYOS na walang kaparis at banal
Ika'y noon at magpakailan man
Dakila't makapangyarihang Diyos
Magpugay ang lahat Mong nilikha
Lahat ng may buhay at hininga
Ay sumamba
Luwalhatiin Ka, luwalhatiin Ka
Sa kalawakan, sa kalangitan
Maging sa lupa at karagatan
Luwalhatiin Ka, luwalhatiin Ka
Sa puso at isipan, sa kilos at salita
Ay luwalhatiin Ka
Ako po ang nag-areglo at tumugtog. Nakumbinse ko din ang sarili ko na kumanta ng backup vocals, buti pumayag ako. 😂 Salamat sa misis ko na nagluto ng tanghalian namin kanina at pumayag na sumama sa video na 'to.
LUWALHATIIN KA guitar chords - drive.google.com/file/d/1SNxL4VXg08dLUQrboJQYeJqoVEeSP4V8/view