Diwata Pares Overload Update
DAGDAG KAALAMAN
Diwata Pares Overload July 2025
lumipas na nga ata 😅
wala na yung mahabang pila at maraming customers.
after naming mag road trip, nag try kami dito kumain sa trending na kainan dati.
lumuwas ako nun July 12 to July 13 para mag celebrate ng birthday ng bf ko. at dahil ngaun lang ulit ako nag stay sa Pasay, ngaun ko lang din nasubukan 😅 ok na nga din siguro na di na ganun ka hype, dahil ayokong pumila ng mahaba.
dahil di naman ako kumakain ng pares, chicken yung order ko. para sa akin, malaki na yung serving (di ko nga naubos) saka madami na din yung kanin (di na unlimited) pero dalawang scoops na rice. may free soft drinks pa din naman.
ok naman yung experience, nothing special parang ordinary kainan lang din. pero sulit na sulit na rin para sa price, mabubusog ka..pang masa din talaga 😉
malapit lang dito yung condo kung saan kami nag stay kaya ilang beses namin nadaanan ito ng iba't ibang oras pero ganun pa din naman, wala na yung dating pila at dumog ng mga tao
#hyunjangnim #Nympha #dagdagkaalaman #diwataparesoverload #diwatapares #diwata #foodtrip
diwata pares now / diwata pares overload / diwata pares update now