LUMAPIT KA KAY HESUS by Ptr. Ruel Buyacao | Baguio City Botanical Garden Orchids 2024
ANCLA Gospel Music Singers
LUMAPIT KA KAY HESUS by Ptr. Ruel Buyacao
Performed by: Marivi Langan, Sheena Oggang, and Gladys Ligat
Ikaw ba ay nababagot Sa buhay mo na kay lungkot?
Marami kang katanungang Di malaman ang sagot
Ikaw ba ay nalulumbay
Ang buhay mo'y walang saysay?
Sa bigat ng 'yong problema Tila wala nang pag-asa
Lumapit ka kay Hesus Siya sa iyo'y naghihintay
Ang bigatin mo sa buhay sa Kanya mo ibigay
Manalig ka sa Kanya ang buhay mo ay i-alay
At iyong mararanasan tunay na kapayapaan
Ang pag-ibig ni Hesus sa atin ay sadyang lubos
Kahit tayo'y makasalanan buhay Niya'y inilaan
Sino mang mananawagan sa Banal Niyang pangalan
Makakamit ang kaligtasan buhay na walang hanggan
Tumawag ka kay Hesus at manalig ng lubos
At iyong makakamtan kapayapaan na inaasam
Siya ang iyong kailangan isang tapat na kaibigan
'Di ka Niya pababayaan pag-ibig Niya'y
walang hanggan