AKAYIN MO ANG PUSO KO, THERESE | Thirdie Prugalidad & May Laxamana I Official lyric video
JesCom Music
Akayin Mo ang Puso Ko, Therese
Composed by Darlene Echavia
Performed by Thirdie Prugalidad & May Laxamana
Listen on digital music platforms: open.spotify.com/track/6O89wqklltbtBxYrsbrRHZ
Special thanks to the National Organizing Committee of the 5th Visit of the Relics of St. Therese to the Philippines, & Mr. Luis Antonio Fabregar for the photos used in this lyric video.
Lyrics:
Mula sa kalangitan, samyo ng bulaklak
Sa mundo'y humahalimuyak
Pusong nalipos ng pag-ibig ng Ama
Ang sinisigaw:
Mahabaging Pag-ibig ng Ama
Koro 1:
Akayin mo ang puso ko, Thérèse,
patungo sa Ama.
Muling buhayin ang pag-ibig ko
na tila namanglaw
Sa tawag ng mundong mapagbiro.
Katulad Mo ay nais kong
ialay ang lakas at kahinaan ko.
Hayaan mong awitin ko ang himig na wagas
Tinitibok ng puso mo.
Awit ng dukhang sa pagdaralita'y
doon natagpuan.
Walang hanggang pag-ibig ng Ama.
(Ulitin ang Koro 1)
Ngayon aking natanto kung pa’no bang
umibig ang ialay ang lahat
kahinaan ko't lakas at sarili'y itaya.
Koro 2:
Akayin mo ang puso ko, Thérèse,
patungo sa Ama.
Muling buhayin ang pag-ibig ko
na tila namanglaw
Sa tawag ng mundong mapagbiro.
Katulad Mo ay nais kong
ialay ang lakas at kahinaan ko.
Coda:
Katulad mo ay nais kong
Ialay ang lahat
Kahinaan ko't lakas at sarili'y itaya.
Akayin mo ang puso ko, Thérèse.
#jmm #jesuitmusic #ThereseRelicsPH #LakbayTayoStTherese #AkayinMoAngPusoKoTherese #Therese