Higit sa Lahat / Ricky Sanchez : Lyric Video

31,575 views,

Psalministry Music Channel

18,400 views

Higit Sa Lahat
Ricky Sanchez

Kapag ang langit ay sadyang
maulap,
At suliranin mo sayo'y
nagpapahirap,
Kung ikaý nagaalinlangan
sa Kanyang kapangyarihan
Manalangin ka't ika'y
pakikinggan.

Simulan mong pagmasdan
ang kapaligiran;
Mamamangha ka sa angkin
niyang kagandahan.
Mga ibon nag-aawitan,
Bulaklak na naggagandahan,
'Di ba't mahal sila ng Dios
kailan pa man?

Ngunit higit ang pag-ibig
Niya sa'yo,
Higit sa bawat nilikha
Niya sa mundo.
Kung ang mga halaman
Kaniyang inaalagaan,
Lalo ka Niyang pakaiingatan.

Simulan mong pagmasdan
ang kapaligiran;
Mamamangha ka sa angkin
niyang kagandahan.
Mga ibon nag-aawitan,
Bulaklak na naggagandahan,
'Di ba't mahal sila ng Dios
kailan pa man?

Tunay, higit ang pag-ibig
ni Hesus,
Higit sa bawat suliraning
taglay mo.
Lahat ng hirap at pasanin mo
Kanyang lulunasan,
Lagi ka Niyang pakaiingatan.

Mateo 6 : 25 -34
25 “Kaya't sinasabi ko sa inyo, huwag kayong mabalisa tungkol sa inyong kakainin at sa [inyong iinumin][d] upang kayo'y mabuhay o kaya'y tungkol sa susuutin ng inyong katawan. Hindi ba't ang buhay ay higit na mahalaga kaysa pagkain at ang katawan kaysa damit?
26 Masdan ninyo ang mga ibon. Hindi sila nagtatanim ni umaani man o kaya'y nagtitipon sa kamalig, ngunit pinapakain sila ng inyong Ama na nasa langit. Hindi ba't higit kayong mahalaga kaysa mga ibon?
27 Sino sa inyo ang makakapagpahaba ng kanyang buhay nang kahit isang oras sa pamamagitan ng kanyang pagkabalisa?
28 “At bakit kayo nababalisa tungkol sa pananamit? Isipin ninyo kung paano tumutubo ang mga bulaklak sa parang; hindi sila nagtatrabaho ni gumagawa ng damit.
29 Ngunit sinasabi ko sa inyo, kahit si Solomon sa kanyang karangyaan ay hindi nakapagdamit nang singganda ng isa sa mga bulaklak na ito.
30 Kung dinadamitan ng Diyos ang damo sa parang, na buháy ngayon, at kinabukasan ay iginagatong sa kalan, kayo pa kaya? Kay liit ng inyong pananampalataya sa kanya!
31 “Kaya't huwag kayong mag-alala na baka kayo kapusin sa pagkain, inumin o damit. 32 Hindi ba't ang mga Hentil ang nababahala tungkol sa mga bagay na ito? Alam na ng inyong Ama na nasa langit na kailangan ninyo ang lahat ng ito.
33 Ngunit higit sa lahat ay bigyang-halaga ninyo ang kaharian [ng Diyos][e] at ang pamumuhay nang ayon sa kanyang kalooban, at ibibigay niya sa inyo ang lahat ng mga bagay na ito.
34 “Kaya nga, huwag ninyong alalahanin ang bukas; sapagkat ang bukas ang mag-aalala sa sarili niya. Sapat na ang inyong mga suliranin sa bawat araw.”

Tunay na ang kabutihan , kadakilaan at pag ibig ng ating Panginoon sa bawat isa sa atin ay wagas.Magpatuloy lang tayong maglingkod ng tapat sa ating Panginoon, sa kabila ng mga pagsubok at problema sa buhay, di Niya tayo papabayaan.

DISCLAIMER:

ALL VIDEOS, SONGS, IMAGES AND GRAPHICS USED IN THE VIDEO BELONG TO THEIR RESPECTIVE OWNERS AND I OR THIS CHANNEL DOES NOT CLAIM ANY RIGHT OVER THEM.

#HigitsaLahat #RickySanchez #Psalm23 #LyricVideo #PapuriSong #PapuriSongwithLyrics #Psalm23 #psalm23 #Psalm23 #ChristianSong #ChristianSongwithlyrics #GospelSong #GospelSongwithLyrics #PraiseandWorshipSong #PraiseandWorshipSongwithLyrics

Related Videos

 /