BAKIT MAHALAGA ANG SAKRAMENTO NG KOMPISAL NG MGA KATOLIKO? BIBLICAL NA BASEHAN, ALAMIN!
Pananampalataya at Katuwiran
Sa pagtuturo ng Simbahang Romano Katoliko, ang Sakramento ng Kumpisal (minsang tinatawag na Kumpesyon, Rekonsilasyon, Penitensiya, o Pagsisisi) ay ang paraang ibinigay ni Kristo sa Simbahan para sa kapatawaran ng mga kasalanan ng bawat indibidwal na taong nabinyagang miyembro ng Simbahan.
Ang Sakramento ng Pakikipagkasundo ay isa sa pinaka-natatangi at napakagandang katangian ng Katolisismo. Si Hesukristo, sa kasaganaan ng Kanyang pagmamahal at awa, ang nagtatag ng Sakramento ng Kumpisal, upang tayong mga makasalanan ay magkamit ng kapatawaran sa ating mga kasalanan at ng pakikipagkasundo sa Diyos at sa Simbahan. Ang sakramento ay “naghuhugas sa atin sa kalinisan” at pinagbabago tayo kay Kristo.
“Sinabing muli ni Hesus, ‘Ang kapayapaan ay sumainyo. Kung paano sinugo Ako nang Ama, gayunman ay sinusugo Ko rin kayo.’ Pagkatapos Niyang sabihin ito, sila’s hiningahan Niya at sinabi, ‘Tanggapin ninyo ang Espiritu Santos. Ang patatawarin ninyo sa kanilang mga kasalanan ay pinatawad na nga; ang hindi ninyo patatawarin ay hindi nga pinatawad.’” (Juan 20:21-23)
#catholicchurch #faith #religion #spiritualwarfare #bible #tradition #truechurch #defendthecatholicfaith #sacredimages