Pag-asa Ng Pasko - New Life Music
New Life Music
"Pag-Asa Ng Pasko" by New Life Music
Masasabi natin na ang taong ito ay nagdulot sa atin ng iba't-ibang pagsubok at hamon sa buhay. Dahil dito, marami sa atin ang labis na naapektuhan at tila ba nanghina at nawalan ng pag-asa sa buhay.
Ang awitin pong ito ay handog namin sa inyo upang ipaalala sa ating lahat na tayo man ay dumaan sa mga sitwasyon sa buhay, ang ating Pag-asa - ang Panginoong Hesus - ay sumasaatin. Siya ay patuloy na umiibig at naghahari sa anumang sitwasyon, kailanman.
Ngayong panahon ng kapaskuhan, lahat tayo ay may kakayanang bumangon, magsimula at buong galak na magdiwang dahil ang tunay na Diwa at Pag-asa ng Pasko ay kasama natin ngayon at sa bawat umagang darating!
Maligayang Pasko!
CHORUS
Maghahari kailanpaman
Sumasaatin Liwanag ng buhay
Hesus Ikaw aming pag-asa
Ngayong pasko at sa bawat umaga
VERSE 1
Liwanag ay umuusbong
Sa gitna ng kadiliman
Katulad ng mga bituing
Nagniningning sa kalangitan
PRE-CHORUS 1
Hatid ay pag-asa
At kapayapaan
Regalong dumating
Katuparan ng pangako
VERSE 2
Sa buhay Niyang inialay
Kaligtasan ay nakamtan
Sapat sa'king pagkukulang
Kaya ngayo'y nagdiriwang
PRE-CHORUS 2
Hatid Niya'y pag-asa
At kapayapaan
Regalong dumating
Katuparan ng pangako
Para sa 'yo
BRIDGE
At dahil sa 'Yo
Magdiriwang ako
Hesus dahil sa 'Yo
Buhay ang pag-asa ko
Written by: Solomon Pagapong and Edward del Fierro Mitra
© 2020 New Life Music
This video was filmed by New Life Media at Garden by the Sea.
Let's stay connected!
Instagram: www.instagram.com/newlifemusic.ph
Facebook: www.facebook.com/newlifemusicph
Website: newlife.ph
Subscribe to our channel to keep up to date with our latest videos and songs!
#PagasaNgPasko #NewLifeMusic #NewLife #HopeAlivePH