BAKIT TINATAWAG NA "FATHER" NG MGA KATOLIKO ANG MGA PARI, BAWAL DAW ITO SA BIBLIYA?

70 views,

Pananampalataya at Katuwiran

30,100 views

BAKIT TINATAWAG NA FATHER NG MGA KATOLIKO ANG PARI SAMANTALANG IPINAGBABAWAL RAW ITO SA BIBLIYA?

Ito ang isa sa mga paboritong hanapan ng butas ng mga Anti-Catholics, ika nila, itong pangtawag raw ng mga Katoliko sa mga pari na "Father" ay hindi kailanman tinuturo ng Biblia at kung tutuusin ay ipinagbabawal pa nga.
Ang kanilang ginagamit na argumento ay ang talata kung saan ating mababasa:

"And call no man your FATHER upon the earth: for one is your Father, which is in heaven."
Matthew 23:9 KJV

Ang interpretasyon nila rito ay sundin ito ng literal na huwag kang tatawag ng 'Father' sa kahit na sinong taong narito sa lupa lalo na ang kahit na sinong mga pari sa Simbahan dahil iisa lamang ang Ama at ang Ama na ito ay ang kaisa-isang Amang Makapangyarihang Diyos.

Kung tatangkilikin natin ang ganitong klaseng literal na pangunawa sa talata. Na huwag tatawag ng 'Father' ng kahit na sino rito sa lupa, nagkakasala na rin pala tayo at lumalabag sa utos ni Kristo tuwing tinatawag nating Tatay, Itay, Ama, at 'Father' lalo na tuwing Father's day ang mga tatay. Kung ganito lang rin, hindi magiging happy tuwing sasapit ang araw na ito: Father's day sapagkat wala ka nang karapatan upang bumati pa ng "Happy Father's Day!" sa iyong tatay sa kadahilanan ngang ipinagbabawal ito sa Biblia.

PAGLILINAW TUNGKOL RITO.

ANG PROBLEMA NG KANILANG PAGUNAWA.

Ang problema po sa kanila, pinuputol nila ang talata na ito upang magmukhang totoo na hindi nga tama na tawaging "Father" ang mga pari sa ating Simbahan. Dahil kung babasahin natin ang sinasabi bago at pagkatapos ng talatang Matt. 23:9:

You must not be called ‘Teacher,’ because you are all equal and have only one Teacher. And you must not call anyone here on earth ‘Father,’ because you have only the one Father in heaven. Nor should you be called ‘Leader,’ because your one and only leader is the Messiah.
Matthew 23:8‭-‬10 GNT

Kapag uunawain po natin ito, mapapansin nating ang tatlong talatang nabanggit ay porma ng isa sa mga Figure of Speech, ang tinatawag na "Hyperbole" ito ay puwang na mga exaggerated statements ni Kristo. Alalahanin po natin ang Bibliya ay matalinhaga at hindi inuunawa ng literal. Tulad nito, binanggit rin na wala kang tatawaging "Teacher" na kahit na sino sa lupang ito. Wala ka ring tatawaging "Leader" na kahit na sino sa mundong ito. Kung ganito ang mangyayari, mali palang tawaging mga "guro o teacher" ang mga tagapagturo sa eskwelahan.

Eh bakit nga ba ganito? Dahil ang tunay na mensahe rito ni Kristo, huwag nating kakalimutan na may iisang Diyos na siyang Amang Makapangyarihan sa lahat (Father), Tagapagturo (Teacher), at Mangunguna (Leader) sa ating buhay.
--------
SA BIBLIYA MAY MGA PARING TINAWAG RIN BILANG "FATHER".

Then the high PRIEST asked Stephen, “Are these charges true?” To this he replied: “BROTHERS and FATHERS, listen to me! The God of glory appeared to our FATHER Abraham while he was still in Mesopotamia, before he lived in Harran.
Acts 7:1‭-‬2 NIV

"'Be quiet,' they replied. 'Put your hand over your mouth and come with us, and become our FATHER and PRIEST. Are you better off as domestic priest to one man, or as priest to a tribe and clan in Israel?'"
Judges, 18 - NEW JERUSALEM BIBLE
----
ANG PRIEST O FATHERS SIMBAHAN AY ANG MGA SPIRITUAL FATHER NATIN TULAD NI ABRAHAM

“ ‘No, FATHER Abraham,’ he said, ‘but if someone from the dead goes to them, they will repent.’
Luke 16:30 NIV

“Abraham is our FATHER,” they answered. “If you were Abraham’s children,” said Jesus, “then you would do what Abraham did.
John 8:39 NIV

Against all hope, Abraham in hope believed and so became the FATHER of many nations, just as it had been said to him, “So shall your offspring be.”
Romans 4:18 NIV

Tandaan natin. Hindi natin tinatawag na
"father" ang mga pari dahil itinuturing natin silang diyos ama. Kung sa isang pamilya, may tinatawag na "Padre de pamilya" ang mga pari naman, ang mga tatay natin sa mga parokya.

#bible #catholicchurch #defendthecatholicfaith #faith #kumpisal #religion #sacredimages #spiritualwarfare #tradition

Related Videos

 /