ITATANGHAL (cover with lyrics)
Dan Carniyan
Written by: Ardene Gail Villanueva Rabanal, Jhonnel Tenegra Pica
Original Version: youtu.be/P4Pjp9f-h-k
Recorded voice via Dolby On mobile app and downloaded instrumental from WeSing mobile app.
Lyrics
Verse 1
Lumalapit, nagsusumamo
Ninanais banal na presensya Mo
Inaasam na Ika'y maranasan
O Diyos, puso ko'y katagpuin
Chorus
Ang pagmamahal Mo ay walang katulad
Sa buhay ko ay kailanma'y 'di nagkulang
Ako'y namamangha Sa'Yong kadakilaan
Itatanghal Kita, O Diyos, Ikaw lamang
Verse 2
Kahanga-hanga ang Iyong katapatan
Ang kabutihan Mo ay walang hanggan
Ikaw, Hesus ang matibay na sandigan
Hindi ako bibiguin kailanpaman
Bridge
Pangako Mong tunay sa buhay ko ay siyang gabay
Aking lakas at kanlungan, simula't katapusan
Ikaw ang daan at ang tangi kong kaligtasan
Walang ibang itataas, Hesus, Ikaw lamang